Ako naman ay 'di nakapagsalita sa sinabi niya. Loading... loading ang isip ko sa binitawan niyang salita saka ako napatuptop. Jeez! Babaeng gusto? Sino? Ako? Biglang tumalon ang puso ko sa isiping `yon. Pero hindi, alam ko namang pinagloloko lang ako ng gagong 'yon. Halaka! Papalapit na siya sa'kin. Ang mga kamay niya ay pinalagutok niya ang mga daliri. Mukhang hahamunin yata ako ng suntukan. Kaya ko siyang tapatan kung 'yon ang plano niya. Saka 'yung balls daw niyang nabasag, ipapaayos ko na lang kay doc. Mukhang maaayos naman eh, lagyan lang ng super glue, o mightybond. Bago pa siya nakalapit sa'kin, mabilis na akong lumayo pero nahagip niya ang braso ko. Na naman! Lagi na lang niya akong nahahagip. "After dinner, magkita tayo sa ornamental room." Tumaas naman ang kilay ko nang tuming

