Naglakad pa kami nang naglakad sa malaking silid na 'yon hanggang sa dumating kami sa isang private room ayon na rin sa nakalagay na tag sa tinted na pintuan. "Ano kaya ang nandito?" Lumapit ako roon at pinihit ang knob ngunit naka-lock. "Ang ganda ng place na 'to. All my life, I was dreaming to see things like this in real life. And now... sobra! I thought, nasa foreign land lang ang mga ganito. Like this one..." May kinuha si Aki na isang lighter pero nang idiin niya ang thumb niya rito, Isang super laser ang lumabas instead na apoy. "Aw shet!" mabilis naman niyang ibinalik `yon sa kaniyang pinagkunan. Ako naman ay napatingin sa tinamaan ng laser, nagkapinsala `yon sa kesame. Pero mabuti na lang at naka-proff `yon. "Um... uh-o sorry." ngumiti naman siya at nag-peace sign sa'min ni Ki

