Mayamaya pa ay nangalay na ang binti at paa ko sa katatayo kaya nagpasya akong umupo. Ngunit walang upuan pwera sa isang display chair na nasa unahan. Lumapit ako roon at umupo ngunit sa gulat ko ay biglang gumalaw `yon at nag-warning ang buong paligid. Bigla akong napatayo ngunit may pumipigil sa'kin at pakiramdam ko umiinit `yon. "Cauli!" mabilis na lumapit sa'kin si Rowan at hihilahin sana ang kamay ko pero mabilis ang robot chair na pigilan ang kamay ko at nilagyan ako ng kasingnipis ng nylon ngunit kasingtibay ng kadena para 'di ako makaalis. Parang gusto ko ng maiyak. Gusto ko lang namang umupo kasi ngalay na ngalay na ang paa ko sa katatayo pero heto ang naabot ko. "Don't move Cauli." nabahala namang sabi sa'kin ni Akirah. Gusto ko tuloy sabihin sa kaniya na paano pa ako makakagal

