Napatingin-tingin kami sa'ming paligid. Kanan at kaliwang pasilyo na lang ang aming pwedeng pagtakbuhan sa pagkakataong ito. Nasa aming harapan at likuran ang dalawang mga ito naman. Nagsitinginan kaming dalawa ni Cauli at biglang tumango. Bago pa man kami sinunggaban ng mga pesteng Delthan, agad kaming nag-hiwalay ng daan. Ako sa kanan at siya'y sa kaliwa. Sana makaligtas kaming dalawa ngayon. - - - Cauli's P.O.V Kaliwang pasilyo ang pinili ko at wala yatang planong tigilan ako ng alien na'to. Ayan na siya! Binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Wala pa naman si Rowan na aking superhero. "Aw shet!" nausal ko. Naulit na naman 'yung eksenang nahubad ang suot kong flatshoes. Naka-dalshoes lang kasi ako maliban kay Aki na naka-rubber talaga. Dagli kong binalikan ang nahubad kong dalshoes. Baka

