Rowan's P.O.V Ako na ang kumokuntrola ng sasakyan ko ngayon. Pabalik kami sa lab at pakiramdam ko may emergency. Nakita ko sa monitoring ko na may Delthang nakapasok do'n sa ginawang pagsira ni Cauli sa exit wall. Alam ko namang kakayanin ito ni doc pero depende kong ilang alien. Napakuyom ako ng kamao. Ginawa ko na ang lahat para magpaliwanag sa kaniya pero hindi niya ako binigyan ng panahon. Nakasarado ang puso't isip niya sa ano mang sasabihin ko. Talaga bang ganito ang mga babae? Kaya ne minsan ayukong magkagusto at umibig. Napakahirap nila intindihin. Gusto nila 'yung sila ang masusunod at tama. Alam kong may karapatan siyang masaktan at magselos, pero may kaparatan din akong magpaliwanag at pakinggan ang paliwanag. Bakit ba ayaw niyang makinig? Dahil totoo kayang mas mahal niya ang

