"Huh?!" labis ang pagkagulat niya sa sinabi ko kung kaya napahinto ang sinasakyan namin sa gitna ng daan. Kumuyom ang kamay niyang naka-touch sa monitoring, na para bang ito 'yung nag-control sa pagpapatakbo. "Ulitin mo nga ang sinabi mo?" Tumingin ako sa kaniya at matiim siyang tiningnan. "Walang tayo. Hindi mo ako pag-aari at 'di rin kita pag-aari. Wala tayong relasyon at wala tayong ugnayan kaya bakit ka nagpapaliwanag?" Bakit ganito? Bakit biglang manhid ang pakiramdam ko? Nakita kong pumatak ang luha niya. Kinuha ko ang paningin ko at tumingin sa unahan. Kapagkuwan ay namayani sa'min ang katahimikan. Mahabang katahimikan. "Walang tayo? Ano 'yung nangyari sa'ting dalawa, laro?" galit na hinawakan niya ang aking braso at aaminin kong masakit 'yon. "Hindi 'yon isang laro at totoong

