May pinindot siya sa unahang salamin ng kaniyang sasakyan at mula rito, lumabas ang monitoring set-up niya. Kitang-kita rito kung saang daan kami ngayon, street no, city at ano pa. Naka-monitored din dito kung may enemy bang papalapit, o wala at nakita namin dito ang black dot: nagpapahiwatig na si Rowan ito dahil ini-zoom in ito ni Michael at nakita namin ang kotse niya kahit naka-invisible. Malapit lang pala siya sa'min. Nasa kabilang lugar lang sila at isang oras na pagpapatakbo lang ang gagawin ni Michael, maabutan namin sila. "Ang kambal kong hilaw! Masundan nga muna." at Diyos ko! Kung ano kabilis niyang pinahinto ang sasakyan kanina, ganito naman kabilis ang pagpapatakbo niya na parang nakipaghabulan. Sa hindi ko inaasahan, biglang lumitaw ang sasakyan ni Rowan na kulay dark gr

