Rowan's P.O.V - Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko at saka ako pabagsak na umupo sa sahig. Nilamukos ang mukha saka naman nanadyang bumalik sa isip ko 'yung lagi kong napapaginipan. Nasa isang carousel kami ng kapatid ko: nangangabayo. Pagkatapos ay nagkaroon ng isang pagsabog. Nagtakbuhan. Pinahinto ang carousel at pinababa kami ng aming yaya. Dahil sa dami ng tao, napahiwalay ako, nadapa, nahubad ang isa kong sapatos. Pagkatapos, bigla na lang may humawak sa'king kamay at do'n na natapos ang lahat na minsa'y inakala ko lang panaginip. Pumatak nang ilang ulit ang mga luha ko at napailing-iling na lang. Napakaliit ng mundo sa'kin at ang tunay na ama at kapatid ko ay ngayon kasama ko na. Ako, ang isang mahirap na estudyanteng nangangarap na makapagtapos upang iahon sa hirap sina i

