CHAPTER TWO

2460 Words
YEARS AGO... "I HATE this freakin' place!" inis na sigaw ni Luigie Marie Koslov Samonte-o mas kilala sa palayaw na Luigie kasabay niyon ang pagbato niya ng stilettos sa dingding ng kuwarto niya. Nasa probinsiya siya ng Tarlac at wala siyang makita na kahit ano maliban sa mga puno. She was grounded. Sa lugar na iyon niya gugugulin ang school break niya. Simula nang tumungtong siya sa edad na eighteen ay nagawa na niya ang lahat ng gusto niya. Nahuli kasi na naman siya ng Daddy niya na laman ng night club kaya sa galit nito ay kinausap nito ang lolo niya. Ang lolo niya ang diumano ay didisiplina sa kanya kaya dinala siya sa probinsiya. Sa hacienda ng matalik na kaibigan ng lolo niya. Isipin pa lang niya na magi-stay siya ng tatlong buwan doon ay parang mababaliw siya. Hindi sa bundok ang buhay niya! Please God, kill me now. Ang mas kinaiinis ni Luigie ay mahina ang signal. Ni hindi nga niya alam kung makatatagal siya sa lugar na iyon. Baka mabaliw siya hindi pa man tapos ang isang buwan. Sa inis niya ay lumabas siya ng bahay na iyon. Kailangan niya sumagap ng hangin at maglakad-lakad. Hindi si Luigie ang tipo ng babae na nagkukulong sa bahay. Hindi siya mapakali sa isang lugar. She love travelling that's why modeling suited her. Kung saan-saan kasi sila nakararating para sa mga photoshoot. Hindi niya pinansin ang kasambahay na nakasalubong at dire-diretso lang palabas. Nang makalabas ay pinagmasdan niya ang mansion. It's an ancestral house. Hindi kataka-taka kung bakit sobra ang tahimik sa lugar na iyon. Buong buhay niya nasa siyudad siya kaya hindi niya alam kung paano mamuhay sa bundok. Kaya aminado siya na parusa mapunta sa lugar na iyon sapagkat tiyak siyang mahihirapan siya sa lugar na hindi niya kinasanayan. She was an half-Russian and Filipino. Russian ang ina samantalang Filipino naman ang ama. Hindi niya nakilala ang ina dahil namatay ito ng pinanganak siya. Siya ang tipo ng tao na ginagawa ang lahat ng gusto niya. What's wrong if she let herself enjoy? She wanted to have fun and enjoy her life. May mali ba doon? Namalayan na lang niyang malayo na siya sa mansion. Babalik na sana siya nang may mapansin siyang bakod na kahoy na naghihiwalay sa hacienda at kung hindi siya nagkakamali ay rancho. May kataasan man ang kahoy na bakod ay tiyak niyang kakasya siya kung susuot siya sa malalaking butas niyon. Ang alam niya, isa ang kaibigan ng abuelo sa pinakamayaman sa lugar na iyon kaya hindi na siya nagtaka nang makita ang kahating rancho. Ekta-ektaryang lupain ang pag-aari marahil nito. Hindi na masama. naisaloob niya habang nakasilip sa malawak na pastureland sa kabilang panig. Sumuot siya sa bakod at tumawid sa kabila. Pagkatawid niya ay agad na yumukod siya at dinama ng kaliwang kamay ang damo. Ngayon lang siya nakadama ng damo sa buong buhay niya. Nang makarinig siya ng mga humahangos na kabayong papunta sa direksyon niya ay ngali siyang napatayo at umalis sa puwesto niya para maiwasan ang mga ito. Sa pagmamadali ay huli na nang namalayan niya ang isang puting kabayo na patungo sa kanya. Sa bilis nang takbo niyon ay napaupo siya sa pag-aakamla na masasagasahan siya niyon. Ilang minuto pa ang hinintay niya subalit walang nangyari sa kanya. Doon lang din niya naramdaman ang kung anong malambot na bagay siyang naupuan. Pagbaba niya nang tingin ay halos nanlaki ang ulo niya sa nakita. Hindi niya nilingon ang kung sinuman na herodes na bumaba sa kabayo at may kasalanan kung bakit siya amoy popo ng kabayo. "Argh! Buwesit talaga!" She ranted. Nang tumayo siya ay sinilip niya ang bandang pang-upo niya. Napapikit siya at pilit pinakalma ang sarili. "Okay ka lang?" Matigas na tanong ng kung sinuman. She was going to freak out. How stupid this person can be. Ito ang may kasalanan kung bakit hindi kaaya-aya ang amoy niya. "Damn! I'm stink!" she hissed. Nangalit ang mga ngipin niya sa inis. "Okay? You think this is okay?" Nag-angat siya ng tingin at sinalubong ang mapupungay na mga mata ng binata. Matangos ang ilong at may mapula-pulang labi. Marami na siyang nakita na guwapo sa maynila subalit ngayon lang siya naguwapuhan ng husto sa isang lalaki. Hindi siya nakahuma agad. Nakipagtitigan lang siya. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nakatitig sa mga mata nito. Naagaw lang ang atensiyon nila nang mag-ingay ang kabayo nito. Pakiramdam niya ay umakyat ang lahat ng dugo sa ulo niya. Nakipagtitigan lang naman kasi siya sa isang guwapong estranghero. Walang umalpas na kahit anong salita sa bibig niya. Tumikhim ito. "Kung gusto mo sumama sa'kin dadalhin kita sa may poso para makaligo ka." Tinignan niya ang kamay nito. Dapat ay hindi siya sumama rito sapagkat hindi naman niya ito kilala subalit wala siyang maramdaman na pagtutol sa sarili kaya inabot niya ang kamay nito. Isa pa, kailangan na nga niya makaligo para maalis na ang hindi kaaya-ayang amoy sa kanya. Inaya siya ng binata pumunta sa poso. Hindi niya alam kung gaano na kahaba o kalayo ang nilakad nila makarating lang sa may poso. Pinagbomba siya ng tubig nito kaya naligo na siya para mawala ang dumi ng kabayo sa kanya. Habang naliligo ay napagtanto niyang wala siyang damit na isusuot. "I don't have clothes to wear." Naisatinig niya. Napakurap siya nang hinubad nito ang T-shirt na suot. Umiwas siya ng tingin sa katawan nito. Ibinato nito ang damit sa kanya. "Wear it." Napatango na lang siya nang makita ang itaas na bahagi ng katawan nito. She wonder how old he is? Bakit ang ganda ng pagkakahubog ng katawan nito? Kargador o haciendero ba ito doon? Imposible din naman kasi mukhang anak mayaman ito. Kaano-ano kaya ito ng kaibigan ng lolo niya? Agad na itinabi niya ang damit nito saka ipinagpatuloy ang paliligo. Nang matapos maligo ay kinuha niya ang damit nito. Ang tanong naman ngayon ay saan siya magbibihis? "S-Saan ako magpapalit?" Hindi nagsalita ang binata sa halip ay dinala siya sa likod ng isang malaking puno. "Sigurado ka bang hindi ako masisilipan dito?" tanong pa niya. "You are not that desirable." kaswal na sagot nito. "How dare you!" she hissed. Sino ito sa akala nito? "Magbihis ka na kung ayaw mo ewan kita dito." She sneered. "But I don't have undergarments to wear too!" hindi niya napigilan ang sarili na maibulalas iyon. Huli na para bawiin iyon kaya hindi na lang niya pinansin ang nakakahiyang sinabi. Napansin naman niya na tila nailang ito sa sinabi niya kapagkuwan ay tumikhim ito. Bumalik din naman agad ang tingin nito sa kanya. "Puwede ba? Huwag ka na magreklamo para makauwe na tayo." Iniwan na lang bigla ng binata. Pagkaalis nito ay nagsimula na rin siya magpalit. Inamoy niya ang damit na hinubad nito. Iyong totoo, isinuot ba nito iyon kasi, bakit ang bango? "Wala ka na bang ibibilis sa kilos mo? Baka hinahanap ka na." Walang nagsalita kaya akala niya ay iniwan siya ng binata. Sinilip niya ito. Nakatalikod lang ito. Binilisan niya ang pagbibihis. Nang matapos magpalit ay pinilipit niya ang mga damit na nabasa. Hinayaan na niya ang basang undergarments niya. Lumabas na siya at nilapitan ito. Kinalabit niya ito sa likod kaya lumingon naman ito. Dahil sa malaking tao ito umabot hanggang sa kalahati ng hita niya ang damit nito. Inalalayan siya ng binata at isinakay sa kabayo nito. Nang makarating sa ancestral mansion ay natanaw niya ang dalawang matanda. Ang matalik na kaibigan ng lolo niya at ang asawa nito. Sinabi niya ang dahilan kung bakit ganoon ang itsura niya. Doon lang din niya nalaman na ito ang apo ng kaibigan ng lolo niya. They called him, Jarreus. Jarreus, sounds cute. Aniya, nang marinig ang pangalan nito. Una itong bumaba sa kabayo at sunod ay inalalayan naman siyang bumaba. Nauligan pa sila nang dalawang matanda na nagsabi na bagay diumano sila. "I don't like her," matigas na singit ni Jarreus na halos ikalaglag ng panga niya ang narinig. Nagulat siya sa sinabi nito. No one dare to say they don't like her, especially a man. Nasaling nito ang ego niya. Pagkatapos niyon ay nagpaalam na ito sa kanila. "Asshole." naiinis niyang bulong habang pinagmamasdan ang papalayong likod nito. If he doesn't like her, well the feeling was mutual. Hindi rin niya ito gusto. *** SININDIHAN ni Luigie ang isang stick ng sigarilyo na dala niya papunta sa lugar na iyon. May dalawang kaha siya ng Marlboro light. Sapat na para sa dalawang linggo niyang konsumo niyon. Nakadadalawang hithit pa lang siya nang may kumuha niyon sa kamay niya. "What the heck!" she hissed. Nilingon niya kung sino ang Poncio Pilato na pakialamero na iyon. Tumaas ang isang kilay niya nang makita si Jarreus. Salubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Alam mo ba na sa isang stick ng sigarilyo ay nababawasan ng halos limang minuto ang buhay mo. It's not good for the health. Lalo na sa'yo't babae ka." Inis na hinarap niya ito. "Paano ka nakapasok dito sa loob?!" sigaw niya. Inapakan nito ang sigarilyo niya. "Alam mo rin ba na masama 'yan sa ibang tao? Hindi lang ikaw ang puwede magkasakit kundi ang iba. Dito ka pa naninigarilyo sa silid mo. Kakapit ang amoy nito sa paligid mo at masama sa baga ang masyadong ma-expose sa usok ng sigarilyo." "You care?" she mocked. "Hindi ko gusto ang babae na naninigarilyo." He stated Tumaas ang gilid ng labi niya. "Ano ngayon?" Akmang lalagpasan niya ito ng pigilan siya. Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa braso niya. She felt something really, really weird. Napailing siya. "How old are you?" "Why? Type mo ko?" Tumingin lang ito sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin. There something on his stares makes her trembled. "Nineteen," Tumango-tango ito. "Matanda ka lang pala nang isang taon sa kapatid ko." Bumalik ang tingin niya sa lalaki. "I'm twenty-two. You can call me, kuya," Umismid siya. "Ayoko. Hindi naman kita kapatid eh." They were not even friends. Bakit niya tatawagin na kuya ito? "Hindi mo ko gusto." Sa pandinig niya ay may nahimigan siyang bitterness kaya sinudlungan niya iyon. "At hindi rin naman kita gusto. Kaya quits lang tayo." Humalukipkip siya. "You're arrogant, you know that?" Napabuntong-hininga ito. "I'm sorry." "For what?" Nang tumingin ito sa kanya ay may sinseridad sa mga mata nito. "Sa inasal ko nitong nakaraan." "Wow? Marunong ka rin pala mag-sorry." "I know I'm a bit rude but can we be friends?" Nilahad nito ang kamay sa kanya. May kung ano yatang magic spell ang tingin ni Jarreus dahil namalayan na lang niya na inabot niya ang kamay sa binata. "Thank you, Luigie. I hope we can be close friends." Sa hindi malaman na dahilan, her heart pounded. *** "WHAT the heck are you wearing?" pasigaw na tanong ni Jarreus kay Luigie habang magkasalubong ang mga kilay nito at pinagmamasdan siyang pababa ng hagdan. She was wearing loose sleeveless white crop tops and high waisted shorts. Suot niyang pansapin sa paa ang kulay black Adidas sport shoes niya. Ipinusod niya ang buhok. Naglagay rin siya ng UV protection cream sa mukha at lotion sa katawan dahil panigurado na matagal silang mabibilad sa arawan. Magi-ikot kasi sila sa buong rancho at baka pumunta rin sila sa parte ng mga taniman ng iba't-ibang prutas at gulay. Simula nang magkausap sina Jarreus at Luigie nang masinsinan ay binigyan niya ito ng pagkakataon. Naging magkaibigan nga sila. Sa lahat ng lakad ay gusto siya isama ni Jarreus para daw masanay siya sa lugar na iyon. Aaminin niya na nababawasan ang boredom niya kapag kasama si Jarreus. It has been one week when she arrived to the place. Hindi naman ganoon kasama ang lugar na iyon. Masaya nga siya kasama ang binata. Tulad niya ay laking siyudad ito pero mas gusto diumano nito sa ganoong lugar. Sariwang hangin na wala sa siyudad, tahimik at simpleng pamumuhay. Kahit papaano ay agree siya sa binata. "Ano'ng mali sa suot ko?" nakataas ang isang kilay na tanong niya nang makalapit rito. Pinasadahan niya nang tingin ang sarili niya. Wala naman siyang nakita na mali sa itsura niya. "Everything!" sigaw uli nito. Namaywang na hinarap niya ito. "Ano bang pinuputok ng butse mo? Ala naman mag-gown akong mag-ikot dito." Namumula ang buong mukha na pinasadahan siya ng tingin nito ulo hanggang paa. "Nakikita mo ba kung gaano kanipis ang top na suot mo? For Pete's sake, kita na ang cup ng bra mo! 'Yang suot mo na short kulang na lang mag-panty ka sa ikli. Kitang-kita ang legs mo!" "What's wrong with that? Ang init kaya sa labas, so, ano ang gusto mo mag-pajama ako at mag-T shirt?" angil niya. Umismid ito. "Kung maghubad ka na lang kaya para hindi na mahirapan mamboso sa'yo ang mga tao sa rancho." "Baliw!" Hinampas niya ito sa braso. Siraulo talaga! "Magpalit ka nga talaga." Seryosong sabi nito sa kanya. Umiling siya. "You're not the boss of me! Hindi mo ko puwede manduhan kung ano ang gusto kong suotin. Bahala ka sa buhay mo! Aalis ako na nakaganito at wala kang magagawa para pigilan ako." Nagulat na lang siya nang buhatin siya ng binata. Kakawala sana siya sa pagkakabuhat nito nang sinaway siya na baka mahulog sila dahil papanik na ito ng hagdan. Sa takot na mahulog nga sila ay hindi na siya pumalag at hinayaan ito maipanik siya sa silid niya. Nang ibaba siya ni Jarreus ay mabilis na isinarado nito ang pinto para hindi niya matakasan ito. "Ano ba?! Tara na kasi at huwag ka na mag-inarte!" "Magpalit ka sabi eh!" anito sa parehong taas ng boses niya. "Ayoko! Ayoko! Ayoko!" halos maputol na yata ang litid ng kanyang lalamunan sa kasisigaw. Nagtatagis ang bagang na humakbang ito palapit sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya nang pinunit nito ang top niya. Hindi niya alam kung paano tatakpan ang sarili sa pagkakalantad ng katawan niya sa binata. Tumalikod na lang siya sa binata. "'Wag mo ko hamunin. Kapag hindi mo inayos ang suot mo pupunitin ko ang lahat ng isusuot mo hanggang sa maubos ang mga ganyang damit mo." Mariing sabi nito. Narinig na lang niya ang pagsara ng pinto. "f**k you, Jarreus!" asar na asar niyang bulalas. Nagpalit siya ng maluwag na T-shirt na ginagamit niya sa pantulog. Maiikli ang halos lahat ng short niya kaya pinagpasyahan na lang niya mag-jeans para wala pang maireklamo ito. Nakasimangot na bumaba siya ng hagdan. Nang makita siya ni Jarreus ay ngumisi ito. Pagkalapit niya sa puwesto nito ay masamang tinignan niya ito. Sigurado siya na natutuwa itong napasunod siya sa kung ano ang gusto nito. "See, much better." Nakangising sabi nito. "Asshole!" buwesit na sabi niya. He smirked. "Thanks for the endearment, sweetheart." She shook her head in disbelief. He's unbelievable.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD