CHAPTER ONE
MAS niliyad pa ni Luigie ang dibdib tulad nang inutos sa kanya ng photographer. Nakasuot siya ng two-piece bikini na nagpakita ng magandang hubog ng katawan niya. Sanay na si Luigie na ibalandera ang katawan niya sa lahat. Ang mga humahanga na tingin ng mga kalalakihan at kababaihan sa kanya. She had the beauty and almost perfect curve. Morena ang balat niya- kulay na nakuha niya sa ama at sa ina naman ay ang mga kulay deep blue na mga mata nito. She was the spit image of her mother.
She will be the latest cover of the most famous men's magazine next month. Sa bansa kung saan siya lumaki, sa Pilipinas. Sa edad na twenty-nine ay kilalang-kilala na si Luigie sa international modeling. Nagsimula siya sa edad na eighteen years old sa Pilipinas. Sa edad na beinte-kuwatro ay sumabak na siya sa international modeling. Hanggang sa nagpatuloy ang magandang career niya at tuluyan ng tumatak ang pangalan niya sa modeling industry. Minsan na rin siyang rumampa sa mga kilalang clothing line at luxury brands. Like Miu Miu, H &M, Marc Jacobs, Hilde Palladino, Yves Saint Laurent, Dolce & Gabbana at Gucci. Matagal na siyang sinusuyo ng lingerie company na iyon para maging modelo pero ayaw niya. Saka lang siya nagdesisyon na tuluyan na niyang tuldukan ang magulong relasyon kay Jarreus. Bumalik muli siya sa Russia at tuluyan ng nagfocus sa career niya. Nitong twenty-seven years old siya naging parte ng Victoria's Secret angel.
Na-discover lang din siya ng purong Russian na si Vladimir na kilala na sa Russia sa pagpapasikat sa mga modelo sa bansang iyon. Kritiko si Vladimir sa pagpili ng model kaya masuwerte siya at nagustuhan nito. Bukod sa pagiging kaibigan niya ito ay manager pa. Malaki ang pagpapasalamat niya sa kaibigan dahil kung hindi rito ay baka wala siya ngayon sa rurok ng tagumpay na natatamasa niya. Sa bansa na iyon niya nakilala ang kaibigan at inalok siya maging modelo. Bukod sa malaking pera na nakukuha niya ay masaya talaga siya. Dahil sa nagkakaroon na siya ng malaking pera sa pagpasok doon ay nagawa na rin siyang bumukod sa mga ito. Ni hindi na nga niya kailangan na sustentuhan ng ama sa kinikita niya.
Kakauwe pa lang niya nitong nakaraan pero marami ng commitment siyang haharapin sa Pilipinas. Bukas ay may pipirmahan siyang kontrata para sa isang beverage company. Nang mag-anunsiyo na ang photographer na tapos na sila ay inabot ng assistant niyang si Thea ang bathrobe. Iba naman ang sunod nilang photoshoot.
"Thank you, darling."
Namula ang pisngi nito kaya natawa na lang siya. Minsan ay hindi niya mapigilan isipin na pati babae ay nagkaka-crush sa kanya. Nakasunod sa kanya si Thea nang maglakad siya papunta sa make-up artist para ayusan siya. Nang makaupo na sa harap ng salamin ay tinignan niya ang sarili sa salamin. Sa kabila ng nakamit niya sa buhay ay may naramdaman pa rin siyang kulang. Kulang na hindi niya alam kung paano pupunan. Agad naman inayos ng mga ito ang buhok at make up niya. Nang tumili ang bakla sa tabi niya. Tinignan niya ito kaya agad na tinakpan ang bibig. Humingi naman ito ng sorry sa kanya at umalis.
"What's wrong with him?"
"Ay, pasensiya na Miss Koslov. Interview kasi ngayon ng Fallen Angel Band para sa bago nilang album." Ang apelyido ng ina ang ginagamit niya dahil may mas appeal iyon pakinggan. Iyon talaga ang ginagamit niya kaysa ang last name.
Fallen Angel Band? Alam niya ang banda na iyon. Tinawag niya si Thea at tinanong sa hairstyler kung may live streaming ba iyong interview. Nang mabigay na ni Thea ang phone niya au agad na nag-search siya at pumunta sa website ng T.V station na gagawa ng interview ng banda. Hindi nagtagal ay nakita na niya iyon at pinanood. Kinuha niya ang earphone at sinaksak sa iPhone niya. Nang i-focus kay Jarreus ay napatitig siya ng husto sa mukha nito. Na-miss niya ito ng sobra pero alam niya na hindi dapat. Nasaktan na siya ni Jarreus. Hindi siya naniniwala sa second chance. Naniniwala siya na kapag sinaktan na siya ng isang tao ay magagawa nito uli ang bagay na iyon. Hindi tanga at martir si Luigie. Pero alam naman niya sa sarili na ito pa rin. Walang nagbago sa damdamin niya.
Jarreus Del Castillo... kailan ba kita makalilimutan?
Unang beses pa lang niya nakita si Jarreus ay nakuha na nito ang atensyon niya. He was the only person said he don't like her... and she thinks he meant it until now. Dahil hindi naman siya nagawa mahalin ng lalaki kung gaano niya ito kamahal.
***
"SHE'S on the peck of her career." ani Rex kay Jarreus habang tinitignan niya ang mga magazine na padala ng kapatid sa kanya. Lahat ng iyon ay kasama si Luigie. Hindi naman nagpadala ang kapatid na wala ang picture ng dalaga.
"I know. I'm happy for her," kaswal na sagot niya. Sinara na niya ang magazine at hinarap ang vocalist ng banda nila s***h pinsan. Miyembro lang naman sila ng sikat na bandang Fallen Angel. Pagdating sa local bands ay sila ang nangunguna. Lahat ng kanta na ginawa nila ay mabilis pumatok sa masa. The Fallen Angel band were at the peck of their career. Walang nakaisip sa kanila na aabot sila sa ganoong estado.
Pumalatak ito. "I heard, nandito na uli siya sa bansa. You wanna see her again?"
Hindi nililingon na sabi niya. "Kung gusto pa niya ko makita."
"C'mon, Jarreus. Ilang taon na ba itong sinayang mo? Tatlo? Apat na yata?"
Napailing na lang si Jarreus. Tama nga ang pinsan na si Rex at ang kapatid na si Yanna. He was the biggest loser on earth. Tanga siya dahil pinakawalan pa niya ang babaeng mahal niya. Bakit ba kasi ng mga panahon na iyon ay hindi niya alam ang pinagkaiba ng "admiration" sa "love". Na-realize lang niya ang bagay na iyon nang tuluyan ng lumayo sa kanya si Luigie. In love siya kay Luigie habang admiration lang ang nararamdaman niya kay Regina- na asawa na nito.
"Shut up, Rex."
Tumayo na siya at akmang lalabas nang makasalubong niya si Van Darren. May dala-dala pa itong nakabalot sa papel. Parang binili sa isang bookstore.
"Bro, hindi ka maniniwala kung ano itong nabili ko." nakangising sabi ng kaibigan.
"Not interested." bagot na sagot niya.
Akmang lalagpasan niya ang kaibigan nang humarang ito. Kinuha nito sa loob ng papel na nakabalot ang kung anumang laman niyon. "Wait, magugustuhan mo ang makikita mo dito sa cover ng magazine."
Nang iharap nito sa kanya ang cover ng men's magazine na iyon ay parang nanlaki ang ulo niya. "What the f**k!"
Binuksan nito ang magazine at sa harap pa mismo niya binasa iyon. Habang nakatitig siya sa cover. Sa nakabalandera na mukha at halos hubad na katawan ni Luigie sa harap niya ay napamura na naman siya ng malakas. "Ang vital statistic pala niya ay nasa 38-24-38. Wow." nakangising sabi ni Van Darren.
Masamang tinignan niya ito. "Tigilan mo 'yan, Darren."
"Her career was really a blast. Imagine, she's an international model...she ramp on different fashion show and promote bikinis'. She was in the Victoria's Secret show last year—"
Sa inis niya ay hinablot niya ang magazine. "Hey, that's mine. Kung gusto mo magkaroon ng kopya niyan ay bumili ka."
"You f*****g shut up!" sigaw niya.
Dala-dala ang magazine ay iniwan na niya ang kaibigan. Narinig pa niya ang tawa ni Darren at Rex. Nang bumaba ang tingin niya sa magazine ay napatiim-bagang siya.
Bakit ba kailangan mo ibalandera ng ganyan ang katawan mo. Damn you, Luigie.
***
"TATLONG araw pa lang at ang taas na ng benta ng magazine mo." ani Vladimir sa lengguwahe ng Slavic language. Marunong magsalita at umintindi ng lengguwahe ng ina. Dalawang linggo na sila nagi-stay sa Pilipinas. Sa Pilipinas man lumaki ay tinuruan siya ng ama na magsalita sa lengguwahe na iyon. Kaya nang mapunta siya sa side ng ina ay hindi siya nahirapan mag-adjust. Nang makumpirma ang pag-uwe niya sa Pilipinas ay marami ang tumawag kay Vladimir para sa contract at schedule niya. Kaya nga sila pumunta sa Pilipinas para magbakasyon pero sadyang may mga bagay talaga na hindi isinusunod sa plano. Iyon ang unang pagkakataon na nakapunta ito sa bansa. Gusto niya i-enjoy ng kaibigan ang bansa na nilakihan niya. Ipinakain na rin niya sa kaibigan ang lahat ng na-miss niyang pagkain sa bansa. At nagugustuhan nito ang pagi-stay nila doon. Pangatlong araw pa lang nang paglalabas ng magazine niya at hit agad iyon sa masa. "Hindi ka nagkamali sa pagpayag na maging cover ng FHM ngayong buwan."
"Excuse, Miss Koslov. May nagpapabigay po sa inyo." ani ng assistant niyang si Thea.
Tinignan niya ang kahon. Um-angat ang tingin niya kay Thea. "Bakit bukas na ito?"
Nang sumabat si Vladimir. "Inutusan ko sila na bago ibigay sa'yo ay buksan muna. Mahirap na." anito, sa lengguwahe na kinasanayan.
Ngumiti na lang siya kay Thea. "Salamat."
Tila nakahinga naman ng maluwag si Thea. "Walang anuman, Ma'am."
Nang umalis na ito ay tinignan niya ang laman ng kahon. Natigilan si Luigie nang makita ang nasa loob ng frame. It's an preserve red dragonfly. Agad siyang napatayo, isang tao lang ang alam niya na posible magbigay niyon.
"Luigie, what's wrong?" ani Vladimir.
Hindi na niya sinagot ito at tinawag si Thea. Tinanong niya kung kanino nanggaling ang kahon. Nang malaman na inabot iyon ng guard sa baba ay pinuntahan niya ito.
"Manong, nakilala n'yo ba kung sino ang nagbigay nito?" tanong agad niya kay Manong guard nang malapitan ito.
Napakamot ito sa likod ng ulo. "Hindi po eh, Ma'am."
Sigurado siya na si Jarreus ang nagbigay niyon. Nakita na niya ang tutubi na iyon. Sa greenhouse ng lola ni Jarreus.
***
NAKATANAW si Jarreus sa bungad ng condo building kung saan tumutuloy si Luigie. Nagulat siya nang makita itong bumaba sa lounge area habang dala-dala ang kahon na pinaabot niya sa guard para ibigay rito. Sigurado siya na sinadya nito bumaba para tanungin kung sino ang nagbigay niyon sa dalaga. Sa tingin niya ay hindi naman siya nakilala ng guard nang iabot niya ang kahon. Pero alam naman niya na alam ni Luigie sa sarili kung sino ang nagbigay ng bagay na iyon dito.
Tumiim ang bagang niya nang makita na nakasunod ang manager nito na si Vladimir Petrov. Kahit sabihin pa na manager lang ito ng dalaga ay hindi niya maiwasan ang magselos. Minsan nga ay napagkakamalan na ang mga ito na may relasyon. Masyado kasing close ang dalawa sa isa't-isa. Sa loob ng mga panahon na magkalayo sila ni Luigie ay ito ang kasama ng dalaga. Natatakot siya na magkaroon ito ng romantic feeling sa lalaki. They were compatible. Isang mundo lang ang ginagalawan at maraming pagkakaparehas. Kung sa itsura ay hindi rin naman nagpapahuli ito.
Nang inakay ito ng lalaki papasok ay nagpatangay ito. Humigpit ang hawak niya sa manibela. Kung anuman ang relasyon ng mga ito ay wala siyang karapatan. Kung higit man iyon sa isang talent at manager ay wala dapat siyang pakialam. Naidukdok na lang ni Jarreus ang mukha sa manibela.
Hindi niya alam kung paano ibabalik ang damdamin ng dalaga na sinayang niya.
***
PAGPASOK pa lang ni Luigie sa restaurant na sinabi ng ama ay natanaw na niya ito. Lumapit agad siya sa ama. Natigilan siya nang makita ang isang lalaki na sa tantiya niya ay naglalaro ang edad sa singkuwenta anyos. Kilala niya ito. Ito ang ama ni Jarreus.
"This is my daughter, Luigie." pakilala ng ama sa kanya kay Herminio Del Castillo. Inabot niya ang kamay rito. Nakipagkamay naman ito sa kanya.
"Good evening, Mr. Del Castillo." magalang na bati niya sa matanda.
Tumayo ang ama at pinaghila siya ng silya sa tabi nito. Umupo siya. Wala siyang ideya kung bakit nakipagkita sila ng ama rito. Hindi naman nito sinabi ang dahilan sa kanya. Basta lang daw na pumunta siya doon.
"Oh that's my son," ani ng matanda.
Mula sa nakababa na tingin ni Luigie sa lamesa ay bumaling ang tingin niya sa entrance ng restaurant. Parang huminto ang puso niya nang makita ang lalaki na kapapasok pa lang. Matagal na panahon na nang magkita sila sa personal. Ang mas nakagugulat ay walang nagbago sa damdamin niya. Nang magsalubong ang mga mata nila ay ramdam na ramdam niya ang mabilis na t***k ng puso. Na tanging ito lang ang nakagawa sa kanya. Winaksi niya ang damdamin na iyon at pinakita na hindi siya apektado sa pagkikita nila. Hanggang sa huminto ito sa harap nila. Siya ang unang bumawi ng tingin kay Jarreus.
Umupo ang lalaki sa tapat niya.
Tumikhim ang ama ni Jarreus. "Hindi na kami magpapaligoy-ligoy pa."
"We are aware you were in a relationship years ago. We don't know why you two broke up but we think that you might like each other still. " ani ng ama niya.
Ngumiti siya sa ama. Ayaw niya malaman nito ang damdamin niya para kay Jarreus hanggang ngayon. More casual the better. Walang puwede makaalam sa mga ito. "Yes, why so, Dad?"
Tumingin muna ang ama kay Herminio, may kakaiba sa dalawa na ito na hindi niya mapagtanto. Nang sulyapan niya si Jarreus ay salubong ang mga kilay nitong nakatingin sa kanya.
Inirapan niya ito.
"I know it is so soon but you two know each other and having a relationship before will help—"
"What?" putol ni Luigie sa inis na boses.
Ang kinaiinis pa niya ay nakatitig si Jarreus sa kanya na parang siya lang ang nakikita nito nang mga oras na iyon. Sobra siyang naiilang sa ginawa nito. Dahil sa katapat naman niya ito sa table ay sinipa niya ito sa tuhod. Sa ilalim ng mesa nila. Nalukot ang mukha nito sa ginawa niya.
Serve you right, asshole.
Hindi niya kayang tiisin ang presensiya ni Jarreus ng ganoon katagal.
"We wanted you guys to get married." walang pasakalye na sabi ng ama niya.
Literal na napanganga si Luigie sa narinig? Get married? With whom? With this guy named Jarreus Del Castillo. Ano bang klase na kalokohan iyon?
"You got to be f*****g kidding me!" bulalas niya.
"Luigie Marie, your words." seryosong sabi ng ama.
Hindi makapaniwala na tinignan niya ang ama. "Kung joke lang ito, hindi talaga ito nakakatuwa."
Natawa siya ng pagak. "C'mon, Dad. You are joking, right?"
"I'm afraid not, hija." hindi pa rin nabago ang ekspresyon ng ama.
Gusto niya magwala at magsisigaw. Hindi niya tatanggapin ang kalokohan na iyon. Galit na tinignan niya si Jarreus na wala man lang imik. Tulad ng una ay nakatitig lang ito sa kanya. "Bakit hindi ka magsalita? Ano? Hahayaan mo sila na pakasal tayo sa isa't-isa?"
"Why not, marrying you is not that bad." kaswal na sabi nito.
Sa inis niya ay nag-walk out siya. Hindi niya pinansin ang tawag ng Daddy niya. Wala na siyang pakialam kung ano ang isipin ng mga ito sa kanya. Gusto lang niya umalis sa lugar na iyon. Kung alam lang niya na ganoon pala ang magiging usapan at makikita pa niya ang lalaki na ayaw na sana niya makita ng personal ay hindi talaga siya pupunta. Hindi niya hahayaan na pilitin siya ng ama magpakasal kay Jarreus. Ito naman na lalaki na ito ay walang pakialam. Willing? Her ass. Kung papayag siya sa gusto ng mga magulang nila ay parang kumuha siya ng bato na ipupukpok sa ulo niya. Hindi pa siya tinatakasan ng bait.
Nang may pumigil sa braso niya. Hindi na niya kailangan lumingon dahil kilala niya ang gumawa niyon. Sinubukan niya kumawala sa lalaki kahit wala itong balak bitiwan siya.
"Ano ba?! Get off me!"
"Lu. Let's talk." kaswal na sabi nito.
"You have the guts to call me Lu. Ang kapal ng mukha mo."
"Don't make a scene. Let's talk." Maawtoridad na sabi nito.
"No! Bitiwan mo sabi ko, kung hindi ay sisigaw ako." banta niya.
Tumiim ang mga bagang nito. "Then go shout! Hindi kita bibitiwan kahit ano pa ang gawin mo."
"Jarreus, ano ba!" galit na sigaw niya.
Tumingin siya sa paligid. May mga taong nakatingin sa kanila. Kung sisigaw siya ay malamang na may tutulong sa kanya.
Tinignan niya ito ng masama. "Gusto mo mag-eskandalo muna ko bago mo ko pakawalan ah. Okay, ibibigay ko ang gusto mo."
Humugot siya ng malalim na hininga. Sumigaw siya at humingi ng tulong. "Help me! This man is insane-"
Hindi na natuloy ni Luigie ang mga sasabihin dahil tinakpan na ni Jarreus ng labi nito ang mga labi niya. Nakulong sa bibig ang hindi napakawalan na tinig. Ayaw man niya ay wala na siyang nagawa nang lumalim ang halik nito sa kanya. Napapikit siya at nagpaubaya tulad noon. Marami na siyang nahalikan na lalaki pero tanging halik lang ni Jarreus ang nagbibigay ng kilabot sa kanya.
"Hindi mo ko kayang tanggihan, Luigie. Then and now, you are mine." bulong nito sa labi niya nang pakawalan nito iyon.
Nagising si Luigie sa kabaliwan at agad na tinulak ito. Hindi nito inaasahan ang ginawa niya kaya nabitiwan siya ng lalaki. Galit siya kay Jarreus sa ginawa nito pero mas galit siya sa sarili. Hinayaan na naman kasi niya ang sarili na tangayin ng pesteng nararamdaman niya. Hindi niya alam kung bakit bigla ay nanlabo na lang ang paningin niya. Hanggang sa maramdaman niya na may tumulo na luha mula sa mga mata.
"Luigie..."
And it hits her, umiiyak siya nang mga oras na iyon dahil mahina pa rin siya. Si Jarreus pa rin ang tanging kahinaan niya. "Luigie, please don't cry, baby."
Aabutin sana siya ng lalaki nang humakbang siya paatras. "Don't touch me."
Nang masabi niya ang mga iyon ay agad na tumalikod na siya. Mabuti na lang at may parating na taxi kaya agad na pinara niya iyon at sumakay. Hindi siya nagdala ng sasakyan dahil hinatid lang siya ni Vladimir kanina. Ito pa nga ang pumilit sa kanya na makipagkita sa ama. Na dapat ay hindi na lang siya pumayag.