Nasa clinic parin ngayon si Govad dahil hindi pa siya pinapayagan no'ng nurse na umalis kasi nga daw hindi pa umeeffect 'yong ointment na nilagay niya. And he also needs rest Kaya heto ako ngayon kasama sila Reva at Xena papuntang canteen. Dapat talaga hindi ako sasama sa dalawang 'to kaso sobrang kulit nila kaya napilitan na ako. "Paki bilis naman 'yong lakad." reklamo ko sa kanila. "Heto na po, Rapunzel! Binubuhat po kasi namin 'yong buhok mo! You should thank us for doing this!" sigaw ni Reva sa likod ko habang nagaacting na may binubuhat na kung anong mabigat. Inismidan ko siya. Anong Rapunzel? iba na pala ang pangalan ko ngayon? Hindi ata ako nainfrom. "Anong Rapunzel ka diyan?" Tumigil sila sa paglalakad at nagpamewang "Wag ka na ngang magkaila. Alam naming may gusto sayo si Za

