Dumiretso kaming tatlo sa clinic. Hindi na sila bumili ng pagkain dahil na nga sa nangyari. Wala silang imik habang naglalakad kami "Masyadong nakakabingi 'yong katahimikan." Pagbabasag ko sa katahimikan. "Hindi lang namin akalin na magagawa mo 'yon kay Kylie." At yumuko silang pareho. Napatigil ako sa at tinignan sila. Anong ibig nilang sabihin? "Nag-iba ka na." sambit ni Xena Napatitig ako sa kanilang dalawa. Anong nag-iba na ako? Walang nagbago sa akin. Ako parin 'yong Eleanor na nakilala nila. "Anong ibig niyong sabihin?" Napasinghap si Xena bago siya tuloyang magsalita "Hindi na ikaw 'yong Eleanor na nakilala namin. Ang Eleanor na nakilala namin ay mabait, maunawin at higit sa lahat hindi na nanakit ng tao." Ramdam ko ang mainit na dampi ng mga luhang nagsisinula nang bumabags

