My things are already packed. Hinihintay ko nalang na lumabas si araw bago tuluyang umalis. Pero bago ako makaalis ay didiretso na muna ako sa principal's office dahil hindi ko pa pala nasabi sa kanila ang desisyon ko Dahil 3:53 am palang ay umupo muna ako sa sofa at kinuha ang cellphone ko para tawagan sila papa. Mga ganitong oras kasi gising na siya dahil sa trabaho niya. Todo sikap talaga siya para lang mas lalo pang maging maganda ang reputasyon niya sa trabaho. Kaya nga kami na dito sa Manila dahil sa trabaho niya. Gustuhin ko mang ikwento sa pamilya ko ang nangyari sa akin dito ay bawal. Baka mapahamak lang sila kapag ginawa ko 'yon. "Papa, Good morning." Bati ko sa kabilang linya. "Oh, Sweetie napatawag ka. May problema ka ba diyan?" "Wala po, Papa. Gusto ko lang sabihin na uuw

