Pabalik balik ang lakad ko sa labas ng clinic. Sapilitan na kasi nila akong pinalabas sa loob. Pawis na pawis na ako at naglalaro na ang mga kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon Kasama ko sa labas ang lahat ng miyembro ng Student council, nakaupo sila habang ako hindi mapakali. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Bakit ba kasi sila nabaril? masyado silang mabait para magkaroon ng kaaway! "Umupo ka na muna, Eleanor. Kailangan mo kumalma." Payo ni Zane sa akin. Tumingin ako sa kanya nang nakanoot ang noo. "Sa oras na 'to, hindi ko na alam kung anong ibig sabihin ng salitang kalma, Zane! Kaibigan ko yung andoon oh! Nag-aagaw buhay sila kaya paano ako kakalma?" Sa gilid ng mata ko ay nakita ko si Cara na tumayo at bigla niya akong sinampal. Napatingin ako sa kaniya na nakaa

