Pagkatapos namin kumain ni Zane ay nagpaalam na muna ako sa kaniya na babalik muna ako sa dorm para magpahinga kahit hindi naman totoo dahil gusto ko lang talagang malinawan. Hindi mapapanatag ang loob ko kapag hindi ko malalaman ang totoo. I decided to go to Secretary Heleana's office. I will just spy. Maybe there are some weird things that I didn't noticed and it might help me with my plans. Nasa labas ako ng pinto ng opisina niya nang matyempuhan ko na nasa loob siya at mukang may kausap. Nilapat ko ang tenga ko sa pinto para marinig ang usapan nila. "I think, I shall do my plans now." Bigkas ni Secretary. "Don't worry cause----" Hindi ko na narinig ang paguusap nila dahil biglang may humila sa uniform ko patalikod. Gustuhin ko mang sumigaw ay hindi maari baka lumabas sila at makit

