Nagkatinginan kami bago ko ibinigay sa kanya ang hawak kong papel. Pinagdugtong niya 'yon kaya nabuo ang magkahiwalay na papel. "This is a Route cipher. No sweat." Nakangising turan ni Govad sa papel. Napailing ako at agad binawi ang papel mula kanya. "Akin na nga 'yan." Tumingim siya sa akin na nakanoot ang noo. "Hindi natin mahahanap sila Reva at Xena kapag hindi magkadugtong ang dalawang papel na hawak-hawak natin pareho." Pagpapaliwanag niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "I can find them, kahit na wala 'yang hawak mong papel." I proudly said. Umiling siya sa akin. "Can you solve a Route chipper?" Napairap ako sa kawalan at padabog na ibinigay sa kanya ang papel. Okay, I surrender. Para kay Reva at Xena, ibaba ko na ang pride ko. "So ang sabi dito ay 5 columns and 5 Rows." Tumayo s

