Nakaupo ako ngayon sa cubicle ng cr. Tahimik at nagiisip nang malalim. Kanina ko pa iniisip kung anong pwedeng mangyari sa akin kinabukasan o kaya sa susunod na araw. Natatakot ako kasi alam kong hindi na ako ligtas Kailan ba ako naging ligtas? "Nasaan ka, Eleanor Costello?! Lumabas ka dyan!" Nabulantang ako sa sigaw at dali-daling tumayo para makalabas ng cubicle. Pero agad akong napahinto nang makita ko ang pagmumukha ni Kylie. Kita sa mukha niya ang galit at alam kong ako ang dahilan ng galit niya. Ang dami dami naman kasing lalaki dito sa mundo pero ang napili niya pa ay ang taong may mahal ng iba. "Anong kailangan mo sa akin?" Seryoso kong tanong sa kanya "Lubayan mo si Govad." Ngumisi ako sa sinabi niya. Sino siya para utusan ako? Sino siya para paghiwalayin kami ni Govad? Sin

