Ito na ang huling gabi ng lamay ni executive chief at bukas na bukas ay ilalabas na sa paaralang ito ang katawan niya. Tinibayan ko nalang ang sikmura ko para kahit papaano makapunta ako sa lamay Habang nakaupo ako ay biglang sumulpot sa tabi ko si Evanth at tahimik siyang naupo. "Eleanor, pinapatawag ka ni principal Celestia." Tinaasan ko siya ng kilay. Ano na naman bang nagawa ko na hindi ko alam? Imposible naman kasing ipatawag ako ng principal kung wala akong kasalanan. Perhaps they knew my secret.... Sa titigan pa lang ni principal sa akin noong nakaraan, halatang halata mo na may galit siya sa akin. Sa tingin ko alam niya ang sekreto ko. Ano kayang gagawin niya sa akin kapag nagkaharap kami? "P-para saan daw?" Nagbikit-balikat siya sa akin. Napakagat nalang ako ng labi bago tum

