Harurot kong nilisan ang dorm para makadating nang tamang oras sa klase. Medyo nalate ako ng gising dahil kakaisip ng mga problema ko. Una, Kung paano ko masusubaybayan ang mga kilos ng Executive chief habang pinoprotektahan ang mga kaklase ko. Hindi naman kasi pwepwedeng ipasa nalang kay Reva ang lahat ng tungkulin ko. Partner kami kaya kailangan naming magtulungan. Hingal akong dumating sa room. Agad akong umupo nang makita ko si Ma'am Serina na nagsisimula na palang mag-turo. Pag-upo ko sa tabi ni Reva ay bahagyang kumunot ang noo niya sa akin. "Anong problema mo't nakakunot 'yang noo mo?" Hingal kong bulong sa kanya. "Bakit hindi mo suot ang plastic rose mo?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at agad kinapa ang bulsa ko kung saan dapat iyon nakalagay. Halos isampal ko na ang de

