Hindi ko talaga malaman kung ano 'tong nararamdaman ko simula noong may bumulong sa akin kanina. Ibang-iba na. Hindi na panatag ang loob ko at para bang may masamang nang mangyayari. Kasalukuyan kaming naglalakad ngayon sa gubat na 'to. We really don't know where is the exact way to get out of this freaking place Pero halos tumigas ang buong katawan ko nang tumigil sa paglakad si Maddox. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Bakit sa tingin ko mas mature siya kesa sa akin? I suppose to be the brave and strong here. Bakit si Maddox? High school student palang siya. "B-bakit, Maddox?" basag na basag na ang boses ko. "Someone is following us," sabay linga sa paligid. Dahil siya narin ang naghawak ng flashlight ay inilibot niya narin ito sa buong paligid. Nagsisimula ng mangini

