Bumalik lang ako sa tamang pagiisip nang marinig ko si Maddox na sumigaw. Laking gulat ko nang makita siyang nakaluhod sa lupa habang hinahawakan ang tagiliran niya na may lumalabas na dugo. Pero kahit na sugatan siya ay pinilit niya paring barilin ang taong nasa harapan niya. Umalingasaw ang tunog sa loob ng gubat. Bumagsak ang lalaking nasa harapan ni Maddox. At siya naman ay unti-unti naring nahihiga sa lupa. No! Hindi 'to pwede! Agad akong lumapit kay Maddox. Kinuha ko ang ulo niya at ipinatong iyon sa hita ko kasabay na din nang pagtulong na hawakan ang tagiliran niya. Kasalanan ko 'to eh! Dapat ako ang nagkaganito! Bakit ba kasi hinayaan ko siyang humawak ng sandata? Tanga tanga ko! "I'm sorry, Maddox." At tuluyan ng nakawala ang mga luha ko. Hinaplos ko ang mukha niya gamit an

