Lumipas ang tatlong araw pagkatapos ng trahedyang 'yon ay wala akong nakitang Govad. Mas lalo ko tuloy sinisi ang sarili ko sa pagkamatay ng kapatid niya Dahil narin sa kautusan ng papa nila ay kinuha nila ang bangkay ni Maddox at inilibing sa labas ng paaralang ito. Ipinalabas nilang may sumaksak kay Maddox at lubhang malalim ang pagkasaksak sa kanya kaya siya namatay. Hindi naman kayang sabihin ni Govad sa tatay niya kung anong tunay na nangyari dahil papatayin ang papa niya. Kaya mas pinili niya nalang na maniwala ang tatay niya sa kasinungalingan kaysa sa mawalan ng hininga. Dapat kasi hindi siya namatay eh! Ang bata bata pa niya para mawalan ng hininga. Hindi ko tuloy alam kung anong sasabihin ko kapag nagkaharap kami ni Govad. Baka matulala lang ako sa kanya. Gustuhin ko mang gawi

