Chapter 4

962 Words
                                                                                      Warm's POV Hello guys! Ayos ba? Diba ang galing ko? Hahaha..Ang sarap asarin ni Hot noh. Shhh lang kayo ha! Pero nasisiyahan ako kapag ginagawa ko yan kay Hot. Nakakatuwa kasi ng mukha nito kapag naaasar.. Hahahaha. Naku kapag nakita mo yung mukha nito sigurado ako tatawa ka ng tawa. Eh hindi ko nga maipinta ang mukha nito kapag ganun. At isa pa siya lang yung pwede kung asarin. Kahit na nakakasawa(bulong) yung mukha nito wala na man akong magagawa dahil siya lang yung pwede kung asarin sa aming tatlo. Si Cold? Naku,paano ko naman pagtri-tripan ang isang yun.? Eh paglapit mo pa nga lang malalamig na mga mata at walang emosyon yung unang mong masasagupa.  Naku, nakakatakot kaya.at isa pa ayoko pang mamatay. Bata pa kaya ako. At may pangarap din katulad mo. Naiintindihan ko naman kung bakit naging ganyan siya at hindi ko siya masisisi sa pagbabago nito. Dahil kahit ako ganyan din siguro ang mangyayari sa akin kapag nawalan. :(. Sorry. Ayokong umiyak. Baka kasi kapag umiyak ako dito sigurado ako lilisanin mo ito.at hindi mo na ituloy ang pagbabasa nito. Naku, lagot ako kay Cold kapag nangyari yun. At isa pa baka magalit si Hot sa akin dahil papalitan ko na siyang " best actress of the year" Naks. Ang taas ng pangarap ko noh. Ok lang yun pero yung kay Hot, naku po sobrang taas di naman nito maabot. Hehehe. Shhh lang kayo ha. Baka kasi pag nalaman yun ni Hot,lumabas yung halimaw. Mahirap din kaya magtago dun. Hmm. Teka lang.Bakit ang daldal ko ngayon? Ano ba yung nakain ko? At naging ganito ako. Ang dami na kaya ang nasabi ko  Pero yung maganda kong pangalan hindi ko pa nabibigkas. Haii,,Naku ano ba to? Hmmm. *isip *isip *isip *isip *isip *isip *isip *isip *isip Sige magpakilala na muna ako. Haha.  Yun lang. Pinag-isipan ko pa talaga. Ako nga pala si Wendell Aine R. MonteCora. A.K.A WARM. Labing walo na taong gulang at isa sa kaibigan ni Cold. At rank 3 sa Gang. At sa tingin ko nasabi na ni Hot yung Gang name namin. "Cold Demons" Ang cool diba, kasing cool ng mga code name namin. Alam mo ba kung sino yung gumawa ng pangalan ng Gang? Syempre hindi.  Bakit nandoon ba kayo ng isinulat ni miss author yung idea. Diba wala? Pero kung alam mo ... Sige Ikaw na yung may utak. Hahaha...^_^v yow... Oh sige,para makabawi ako. Magbibigay na lang ako ng kaunting impormasyon tungkol sa amin at sa Gang. Ang Cold Demons Gang ay rank 1 sa buong mundo. Ito ang pinakasikat at kinatatakutan na Gang. Kaya lang noon pa yun. Iba na ngayon. Walang nakakaalam kung saan na ang grupo. Maraming teorya na nagtatatago ang mga to because they are scared. Wow ha. Meron ding baka nag-iba na ng landas at nagbagong buhay. Meron ding nagkawatak watak ang grupo kaya hindi na nakikita. At marami pang iba. Pero kahit ganoon marami pa ring takot at umiiwas na kalabanin sila. Pero hindi pa rin mawawala yung mga taong desperado nang mamatay at sinusubukan pa rin nakalabin sila. Hindi naman nanalo. Tsk.ano yun nagpapakamatay? Sobrang bilib sa sarili pero kapalit naman nito ay kamatayan. Bakit ko ba pino-problema yung mga taong yun? Eh sarili nga nila walang pake. Ako pa kaya. At isa pa kapag namatay sila hindi ko na yun kasalan. Namatay na eh. Anong pang gagawin ko? Buhayin sila? Tsk. Anong tingin niyo sa akin At sa storyang to? Magic? Psh. Ilang taon na silang hindi lumalaban pero they are the group na hindi pa nagagawang matalo. Kaya kahit 21st century na. Kilala pa rin a ng grupo. Sila ay binubuo ng tatlong miyembro. At kami yun. Hehehe... Cool diba? Syempre kami pa.* smirk Cold ang tawag namin kay Caine. Dahil buhay nga pero parang malamig namang bangkay kong mamuhay. COLD - Leader ng Cold Demon. Malamig sa lahat. Kapamilya man o Kaibigan. Pero kahit malamig siya sa kanila. Naku huwag mong subukan saktan ang isa sa kanila kung ayaw mong magising at makita yung Demon side nito. dahil kapag nangyari yun. Magpaalam ka na sa mahal mo sa buhay dahil yun na ang huling mong pagtungtung dito sa lupa. Para din siyang buhay na patay. Buhay nga pero kung kumilos at magsalita parang patay naman. Hai. Ewan ko ba! Kailan kaya babalik ang kaluluwa nun? Haha biro lang po. Naku kapag narinig yun ni Cold ako yung hindi na makakabalik sa katawan ko. At magiging kaluluwa na lang ako habang buhay. Waaaaaah. Ayoko pang mamatay. Ni hindi ko pa nga nakikita yung panganay ko. Hehehe. Ni hindi pa nga nagkakaroon ng boyfriend ngayon. Panganay na agad ang nasa isip. Peace yow. Hehe.Bumalik na lang tayo sa dini-discuss ko kanina  Ok. Ito na. Magaling si Cold sa lahat. Mapagamit man o mano-mano.. Oh diba talented ng kaibigan namin? Kainggit nga eh. Maganda na, malakas pa.. Masayahin at Palakaibigan din. Pero noon yun hindi na ngayon. Gusto ko makita muli yung ganong klaseng Cold. Pero makikita ko pa kaya? :(. Waah sana pls lord. Haii. Ok.  Sunod ay rank 2. Si Hot. Yup. Kahit sa payat (na pinaniniwalaan niyang Hot yung katawan niya.) nitong katawan at parang dalagang pilipina kung titignan. Naging rank 2 pa. Oh diba di kapaniwala-wala. Haha. Ang galing talaga ng kalikasan. Akalain mo yun may tao pa lang ganoon. Sa unang tingin parang isang anghel pero kapag nakikila mo. Isa pa lang amazona. Hahaha. Yow Hot. ^_^v.. hehe. Ikalawa si Hot dahil sa angking lakas at galing nito sa pakikipaglaban. Magaling din siya gumamit ng kahit anong klase ng baril. Syempre. Nasa dugo na nito. Magagaling din kaya yung mga magulang nito sa baril. Kaya namana nito. Sayang nga lang hindi nito namana yung katalinuhan ng mga magulang nito. Hahaha. Biro lang.Huwag niyong sabihin sa kanya yung sinabi ko ha. Baka kasi magwala at magplanong magpakamatay. Naku, sayang naman ang pagpaplano nito kung hindi naman matutuloy. Hahaha...Biro lang po.. Kahit ganoon mahal ko pa rin siya noh. At ang huling miyembro ay  Syempre  Ako. Ayaw niyong maniwala. Puwes tanungin niyo so miss author.. Yan yung pruweba ko. Hahaha. OK balik na tayo. Katulad nina Cold at Hot magaling din ako makipaglaban.. Pero di kasing galing Nila. Mahilig ako sa mga baril at patalim. Yan ako eh.. At Anong magagawa ko? Isinilang akong ganyan. Alangan namang sisihin ko yung magulang ko. Eh sa kanila ko naman natutuhan ang paggamit ng mga bagay na yun. Oh yan lang muna baka maiwan na kasi ako dito. Nandoon na kasi sila. Ang bibilis kung maglakad parang may hinahabol lang oh. May date yata ang mga to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD