Chapter 3

1016 Words
                                                                                         Hot's POV Hello guys , Ako nga pala si Harnichelle O. Thunderelle A.K.A Hot. Labing walo na taong gulang at isa sa kaibigan ni Cold.  Nagtataka ba kayo kung bakit may pet name kami.. Hahahaha..Biro lang po... hindi po yan pet name... Iyan po ay code ng isang Gangster.. Yup.Tama yung nasa isip mo. Kaming tatlo ay mga Gangster... But hindi kami kilala sa Gangster World. "Cold Demon Gang" Bawat gangster kailangan maitago ang identity sa pamamagitan ng Code.Katulad ko Hot,kay Cold at Warm. Astig ng Code namin diba? Syempre astig din kasi yung gumawa. Alam mo ba kung sino? Sino pa? edi si Cold.. Kaya hot ang tawag nila sa akin dahil  Hot na hot ako. *smirk* Ayaw mong maniwala? Bahala ka kahit tanungin mo pa yung mga tao dito. Ganito kaya yung mga mukha nila nang makita nila ako. *0* ,  *_0 , 0_0 ,  ^_^ ,  ~_~  Hmm... Kapag nakita mo ako saan kaya yung magiging mukha mo? Tsk..Bahala na nga... Kahit ano man yung magiging reaction mo kapag nakita mo ako... Hindi pa din mababago ang katotohanan na ang hot ko... Promise kahit ikamatay pa naming tatlo...(bulong) (a/n: oh bakit nadamay yung dalawa?) Shhh.author naman oh.Ang ingay mo.Nakita mo na nga na binulong ko lang,sayo parang balak mong iparinig sa buong mundo ang lakas kaya ng boses mo.at isa pa unfair naman nun kung ako lang.Mas mabuti na yung kasama ko sila.Hindi ako mag-iisa.Bwahahaha. (a/n: Tss.ang sama mo naman ) Hindi ah.Author naman oh.Ganyan ba talaga yung tingin mo sa akin? Ang sakit naman. Sige,ibahin ko na lang. Oh mga readers. Take 2 muna. Promise kahit ikamatay pa ni miss author.*smirk. (a/n: hoy bakit ako? Mas lalo kang naging masama niyan eh.Pati ako dinamay mo.) Tss. Ayaw mo nun miss author.Hindi na kami mawawala kundi ikaw na. * evil smirk. (a/n: Walanghiya ka Hot.Ang bata ko pa kaya.Tapos gusto mo na agad akong mawala.Wala ka talagang puso)  Ako pa. Hot na Hot kaya ako. (a/n: che. Anong connect?) Wala trip ko lang. Bakit may aangal? Dalhin nyo dito at bubugbugin ko . (a/n: *smirk Meron.Wow tapang ha. Sure ka ba? Sandali lang papupuntahin ko siya dito.) Talaga? Oo naman ako pa. Sino? Tapang niya ha. (a/n: yup. Tama ka matapang talaga siya . Sino? edi si Cold. *evil smirk) 0_0 .a-anong sabi mo? S-si Cold.  SI COLD???? (a/n: Narinig mo diba. Siya nga. Wait ka lang malapit na siya.) HA?????? A-eh huwag na miss author. Kalimutan mo na.Ipagpapatuloy ko na yung POV ko, baka naiinip na yung mga readers eh. (a/n: O-ow takot si little Hot kay little Cold.* ngiting pang-aasar.) SHUT UP!! Kung gusto mo miss author ikaw na lang dito. (sorry. —————————— yan zip na yung mouth ko.) Back to the story. Hai salamat buhay pa ako. Naku kahit kaibigan ko si Cold mula pagkabata takot pa din ako noh. Sa tingin pa nga lang nito nakakatakot na. Ano pa kaya kung bubugbugin ako nito. Naku sigurado hindi na ako si Hot, si Hit na ako nun. Ang lakas kaya ni Cold. Kahit nga ikalawa ako sa Gang namin,hindi ko pa din mapapantayan ang lakas nito. Sa tingin ko nga yung buong lakas ko at lakas ni Warm pag pinagsama wala pa ding binatbat sa lakas ni Cold. Yup.Ganyan siya kalakas. Oh diba parang halimaw yung kaibigan namin. Shhh lang. Huwag niyong sasabihin kay Cold ha! Kung hindi patatahimikin ko kayo. * smirk. Pero sa totoo lang halimaw na maganda.Sayang nga lang. Mas gaganda sana siya kung ngumingiti at tumatawa ito. Hindi yung walang emosyon at malalamig na mata yung makikita mo. Hmm. Kailan kaya siya ngingiti at tatawa ulit? Hindi na ako makapag-intay. Sana mangyari iyon. At talagang hihintayin ko ang araw na yun. Bakit pa kasi nangyari iyon? Kung alam ko lang paano kunin yung sakit ng nakaraan na dala-dala nito hanggang ngayon ,sana ginawa ko na pero hindi eh. Hindi ko kaya. Wala man lang akong magawa. Hinayaan ko lang na saktan siya ng nakaraan niya. Bakit ba kasi sinisisi niya ang sarili,eh hindi naman nito kasalan. Alam ko kung gaano sila ka halaga sa kanya pero hindi ko naman aakalain na hahantong sa ganito. Na magbabago si Cold. Walang emosyon At  Malalamig  ang mga mata. matipid  kapag nagsasalita At higit sa lahat  Malamig sa lahat. Siya ang patunay na, Buhay nga pero parang patay naman. Tsk. Tama na nga to. Hoy miss author hindi ito drama kaya huwag mong paglaruan yung damdamin ko. Baliw talaga. Pati ako dinamay nito sa pagiging emotional. Haii naku, bakit ba ganito yung naging writer ko emotional pero kabaligtaran naman nito ng kaibigan ko. Huhuhuhu.. Lord bakit naging ganito yung buhay ko? Natauhan na lamang  ako ng maramdaman ko ang isang kamay sa balikat ko. "ayos ka lang Hot? Bakit ang tahimik mo ngayon? Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba? Dalhin na kaya kita sa mental. Tara" sabi ni Warm at sabay hatak sa akin. Aba.akala ko naman nag-aalala to bakit sa mental ako dadalhin hindi sa ospital. Ano tingin nito sa akin baliw. " hoy Warm, akala ko naman nag-aalala ka. Bakit mo naman ako dadalhin sa mental bakit hindi sa hospital.hoy hindi ako baliw noh." sabi ko. "talaga lang ha" nakangiting sabi nito. Naku ito na naman. "che,umalis ka nga dito . Ikaw yung baliw noh.Ikaw yung dapat dalhin sa mental hindi yung isang hot na katulad ko.shuu, umalis ka dito baka mahawaan mo pa ako.Naku sayang kapag nangyari iyon." sabi ko. Hahaha...Ganyan talaga. Bonding time... Ngumiti lang to. " ouch,ang sakit mo naman magsalita.*smirk. Sino ba talaga yung baliw sa atin? Ako o ikaw na sinabihan lang ng baliw na hot ka,naniwala agad. Oh diba? Baliw ka din. Haha. Agad-agad kasing naniniwala.Uto-uto pa...haha" natatawang sabi nito. Aaargh... Hindi baliw yung nagsasabi ng totoo. " hoy Warm,hindi baliw yung nagsasabi ng totoo noh.." sabi ko. "Di nga? At isa hindi ko na Kailangan umalis sa tabi mo noh.Hindi nakita mahahawaan pa dahil baliw kana matagal na.*evil smirk. Ayaw mo nun may kasama ka nang baliw. " sabi nito habang nakangiti ng tagumpay. Makikita mo sa mga mata nito yung pang-aasar at mga salitang 'nanalo ako' Tss.talo na naman. Graveh talaga to si Warm. " tss. Oo na talo na ako." sabi ko. Ang ginanti lang nito sa akin ay isang ngiting tagumpay. Tss... Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. At nakisabay na lamang ako kay Cold. Mabilis kasi maglakad si Cold. Tss... Mabuti na yung tahimik katulad ni Cold kaysa maingay at mapang-asar tulad ni Warm. Tss. Ang galing talaga mang-asar.Alam kong wala akong binatbat sa asaran pero sa labanan meron. *smirk.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD