Continue...
"Sige,bahala ka.Siya ay si
Bigla na lang sumeryoso si Warm dahil dun nanginig lalo ang lalaki.
Ay si BARNEY. Wahahahahaha" natatawang wika ni Warm.
Habang nakahawak pa sa kanyang tiyan.
Kasabay nun tumawa na rin si Hot maliban na lang sa akin.Ngayon makikita mo silang tawang-tawa dahil na loko nila ang lalaki.
Mga baliw talaga.Ganyan talaga kung nabobore si Warm malakas mantrip.Tss.
Masanay na kayo.
Tss.
Nakita ko naman ang mukha ng lalaki.Kung kanina makikita mo sa kanyang mukha ang takot ngayon parang sinukluban ng langit at lupa dahil sa ginawa ni Warm.
"Wahahahahahaahaha ang haha galing mo hahaha.Tignan mo hahahaha ang epic ng mukha niya. Graveh!" sabi naman ni Hot. Tawang-tawa pa rin ang dalawa.
Pero ako?
Ito nanahimik at nanonood sa kanila.
" Syempre hahaha ako pa...Wahahahahaha tama ka haha diyan." wika naman ni Warm.
Psh.kailan pa sila matatapos sa kakatawa?
Bumalik ang tingin ko sa lalaki at nakita ko ang pag-iba ng emosyon nito.
At iyon ay Galit.
"Mga walanghiya.Hindi ako natutuwa sa pinaggagawa niyo.Pagbabayaran niyo to" galit na sabi nito.kasabay nun ang pagtayo nito,agad na kinuha ang patalim at agad na lumapit sa akin at tinutukan ako.
Psh.Akala niya matatakot ako ng ganun ganun lang.Puwes nagkamali siya.
Bigla namang tumigil sa pagtawa ang dalawa.
"Sorry ha! Dahil hindi ka natutuwa pero pasensiya na rin dahil kami tuwang-tuwa." sarcastic na sabi ni Hot.
Dahil dun lalong naiinis ang lalaki.
Lalong hinigpitan ng lalaki ang patalim at diniin sa leeg ko.
Bigla namang tumahimik at naging seryoso ang dalawa.
"oh,ano ngayon? Bakit kayo tumahimik? Hindi kayo makapalag noh? Dahil natatakot kayo na mapahamak ang kaibigan niyo...hahahaha.Mali kasi ang binangga niyo.Ngayon pagbabayaran nito ang ginawa niyo." galit na sabi nito.kasabay nun ang pagbitiw ng ngiting tagumpay nito.
"huh?Pakiulit nga pangit. Sorry ha! Sa totoo lang hindi kami natatakot sa kalagayan ng kaibigan namin kundi kabaligtaran nito." sabi ni Warm.*evil smirk.
"hahaha kabaligtaran? Baliw ba kayo kita niyo naman ang kalagayan ng kaibigan niyo.Tapos sasabihin niyong hindi kayo natatakot. At pwede ba anong kayang gawin nito? Wala diba. Pwes lokohin niyo ang lelang niyo." wika naman ng lalaki.
Psh..Don't judge the book by its cover.
"Bahala ka. Basta sinabihan ka namin. Naku kawawa naman ang pamilya mo kapag nawala ka ng maaga." wika naman ni Hot.
Tumango-tango naman si Warm bilang sang-ayon nito kay Hot.
"Tama. At ito dapat ang tandaan mo.Mali ang binangga mo" dagdag naman ni Warm.At naging seryoso ang mukha nito.
"Mali ang binangga ko? Bakit sino ba siya? Anak ng presidente o anak ng hari at reyna?" Natatawang tanong nito.
Psh. Mas makapangyarihan pa ako sa kanila.
"Kung sasabihin ko sa iyo na hindi. ---- Hindi na natapos ang pagsasalita ni Warm dahil sa lalaki.
"Oh.Hindi naman pala.Ang lakas ng loob niyong sabihin na mali ang binangga ko.--- hindi naituloy ng lalaki ang pagsasalita niya dahil biglang nagbago ang mukha ni Warm.
Nakakatakot na ngayon ang mukha nito..Bigla namang nanginig ang lalaki ng magsalita si Warm.
Naku galit na si Warm.Ayaw niya sa lahat ay ang taong walang manners.
Naku kahit ganyan si Warm may pinapahalagahan parin yan.
"Hindi pa ako tapos magsalita kaya tumahimik ka.Sinabi ko ngang hindi pero ito yung gusto kung malaman mo.Mas makapangyarihan at mayaman pa siya sa presindente o Hari at Reyna."
Lalong nanginig ang lalaki sa sinabi ni Warm.
Tss. Tama na. Tapos na ang palabas.
Maraming oras ang nasayang ko dito.Kailangan nang tapusin.
"a-anong i-big mong sabihin?" nanginginig na tanong ng lalaki.
Ngunit tinignan lang siya ng dalawa.
Magsasalita pa sana siya ngunit hindi na naituloy dahil gumalaw na ako.
Nagulat ito dahil sa isang kisap ng mata niya ay nasa likuran na agad ako nito.
Tsk.Wala na akong sinayang na oras.Agad ko siyang sinuntok dahilan upang mawalan ito ng malay.
Tss.Akalain mo yun hindi pa nga malakas ang binigay kong suntok sa kanya nahimatay agad.
Weak talaga.Agad naman lumapit ang dalawa sa akin.
"woah, grabeh ka naman Cold.Hindi kana naawa.Basag na nga yungmukha dinagdagan mo pa." wika naman ni Hot.
"Oo nga. Pero pasalamat na lang siya dahil hindi pa siya patay ngunit nag-aagaw buhay lang." dagdag naman ni Warm.
"tsk" sabi ko.tinatamad kasi.
Pero kailangan ko pang magpakilala.
Ako nga pala si
Cane Olaine L. Demonille.
A.k.A COLD.
Malamig sa lahat ng tao at higit sa lahat isang demonyo.
Kaya huwag na huwag mo akong babanggain dahil baka hindi mo alam nakahanda na pala ang kabaong mo at naghihintay na lang sa iyo.