Hindi ako ganoon kainosente para hindi makuha ang nais iparating ni Thauce kanina, hawak at haplos pa lang niya sa akin. Ilang beses niya rin sa akin sinabi sa isla pa lang sa tuwing may mainit na tagpo na magaganap sa amin dalawa kung ano ang nais niya oras na makauwi kaming dalawa. Pero dahil nga sa braso ko ay alam kong sobra ang pagpipigil niya, ngunit alam kong pwede naman... Nabasa ko ang aking mga labi habang nakatingin ako kay Thauce, ngayon lamang niya ako binitawan nang maibaba niya ako sa ibabaw ng kama. Madilim pero aninag ko ang bulto ng katawan niya lalo nang hubarin niya sa harapan ko mismo ang suot niyang damit. "I will be very careful..." iyon ang mga salita na sinabi niya nang sumampa siya sa kama. Sinupil ko ang ngiti na nais kumawala sa akin nang makita ang itsura ni

