"A-Ang taas naman ng tingin mo sa sarili mo," sabi ko na lang. "What? I know when your eyes are searching for me, Zehra Clarabelle. When we were at the island, hindi ba at nagseselos ka kay Lianna noon? you are not that hard to read, baby." At iyon nga ang nakakainis! Ang unfair naman kung napansin na niya noon na may gusto ako sa kaniya! “Ngiti-ngiti ka diyan,” marahas akong lumingon at sinamaan siya ng tingin. "Ibig sabihin pinagseselos mo ako dati?" sita ko. Itinaas ni Thauce ang mga kamay sa ere at umayos siya ng tayo. Nahuli ko rin ang paglunok niya. Kung kanina ay naroon pa ang panunudyo niya sa akin ay ngayon wala na. "Baby... why are you mad?" "Hindi ako galit. Ang sinasabi ko lang kung alam mo na pala noon na mahal kita ay ibig sabihin ang mga kilos mo kay Lianna at pagbangg

