Zehra Clarabelle Mineses "Sa gitna raw tayo manananghalian, Lianna. Doon sa malaking kubo. Tutulong ako maghanda kila Tristan. Ikaw? dito ka ba muna?" tanong ko. Katatapos ko lang magtali ng buhok. Mahangin kasi. Siya naman ay simula makapasok kami dito nahiga na sa kama, nakatulog pagkatapos niyang sabihin na inaantok raw siya. Kaya naman yung mga gamit niya ay ako na ang naglagay sa cabinet. "Hmm... anong oras na ba?" garalgal pa ang boses na tanong niya. Tumingin ako sa orasan sa loob ng kubo. "Alas diyes." Mag-iihaw sila ng mga bagong huli na isda at ibang mga seafood. May baon rin kaming cooler at naroon ang mga manok na minarinate pala nila Wayne kagabi. Pinlano nila ito talaga at wala rin naman kaming alam. Nang lumabas ako sandali kanina para kuhanan ng larawan ang paligid ay

