Chapter 71

1226 Words

"Are you okay, Zehra?" Kababalik lang namin sa resthouse nang kausapin akong muli ni Lianna. Nakita ko sa mga mata niya ang awa habang bitbit pa rin ang handbag niya. Hindi pa nga niya 'yon binibitiwan, pagkarating namin ay dito siya sa silid ko dumiretso. "Ayos lang, maraming salamat, ha? saka pasensya ka na rin at nagkaroon pa ng tensyon kanina. Sana umiwas na lang ako at hindi na pinatulan pa si Rita." Iyon naman rin ang dapat pero nang marinig ko kung paano niya binanggit si Seya ay nawalan ako ng pasensiya. Alam ng Diyos kung paano ko ipinaglaban ang buhay namin ng kapatid ko sa hirap, ang buhay ni Seya sa sakit niya na dumating ako sa puntong nakagawa ako ng kasalanan sa kapwa ko. Masakit lang rin dahil kung may iba akong pagpipilian ay sa maayos na paraan ko pa rin gustong kumit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD