Nang bumalik si Lianna sa silid niya ay inilagay ko na lahat sa maleta ang mga gamit ko. Wala na akong iniwan kahit isa. Naupo ako sa gilid ng kama at inilibot ang paningin ko. Sa isang buwan na pananatili ko rito sa resthouse masasabi ko naman na nag-enjoy talaga ako. Unang araw man na nagkaroon ng tensyon sa pagitan namin ni Thauce na akala ko mauuwi sa hindi na talaga namin pagpapansinan. Pero hindi ko inaasahan na 'yon pala ang magiging dahilan para mabigyan ng sagot yung nararamdaman ko rin para sa kaniya. Hindi ko inaasahan na minamahal na rin pala niya ako. Gusto kong marinig ng paulit-ulit kung kailan, ano ang dahilan at paano niya nalaman sa sarili niya na ako na pala yung mahal niya at hindi si Lianna. Kasi parang kahit ngayon? ang hirap pa rin paniwalaan... ang taas ni Thauc

