"Talagang hihintayin ko na humingi ng tawad sa 'yo si Rita, Zehra. I don't think that btch would do it, eh. Nung sinabi sa akin ni Wayne nagulat ako at sa isip-isip ko na imposible na gawin niya 'yon." Ngumiti ako ng tipid kay Lianna, katatapos lang namin na kumain na dalawa. Nakaupo siya sa giilid ng kama at ako naman ay nasa gilid sa may pang-isahang sofa. Ang totoo ay okupado ang isipan ko ng nangyari kanina sa kusina nang makasalubong ko si Kit. Kung totoong pinanigan niya si Rita ay ayos lang, magkaibigan sila at mas matagal nang magkakilala. Pero kinakailangan ko na kausapin siya. Gusto ko na maipaliwanag rin sa kaniya kung ano ang nangyari kanina at bilang karapatan rin niya na makakuha ng dahilan sa akin kung bakit hindi ko kayang matanggap ang nararamdaman niya. "Hindi na

