Ramdam ni Thauce na ayokong makipag-usap sa kaniya. Hindi naman na siya nagpumilit pa pero kanina habang pauwi kami at hihinto ang sasakyan dahil sa red light at sinusulyapan niya ako ng tingin sa salamin. Nakikita ko 'yon sa gilid ng mga mata ko. Wala akong ibang nasa isip kung hindi ang mga sinabi ni Lianna kanina. Kahit nang makauwi na kami ngayon sa bahay niya ay iyon pa rin ang laman ng isipan ko. Diretso at walang salita na lumabas ako ng kotse niya at pumasok sa loob ng bahay. Habang naglalakad ay tumingin ako sa sandali sa cellphone ko at nakitang alas-dos na ng hapon. Ang bilis ng oras. Halos hindi ko namalayan. "Zehra..." Napalunok ako nang marinig na tinawag ni Thauce. Sa relasyon namin, hindi ako madalas nagtatanong ng mga pinagkakaabalahan niya. Napanatag rin ako sa pag-i

