Sa mga sinabi ni Lianna sa akin ay wala na akong ibang maisip kung ano pa ang maaaring gawin ni Thauce na makakapagpahiwalay sa amin o makakasira ng tiwala ko. Nakita ko na nung una yung sama ng ugali niya, kinamuhian ko na siya at para sa akin noon siya na ang pinakamasamang tao na nakilala ko. At sa mga ipinapakita ni Thauce ngayon, sa pag-aalaga at halos ayaw na niyang malayo sa akin, panatag ako na kung magkaroon man kami ng hindi pagkakaintindihan ay hindi malaki na kaya naman namin mapag-usapan ng maayos. Pero kahit hindi naman niya rin sa akin sabihin, hindi ko basta-basta iiwan si Thauce... katulad ng sinabi niya sa akin non, sa kaniya lang ako maniniwala. Higit sa lahat, siya lang ang paniniwalaan ko. "Do you want to eat outside na lang, Zehra? I think mas maganda ata na kumain

