Ang bilis ng pagtibok ng puso ko dahil sa kaba habang nakatingin kay Lianna. Alam ko na mabait siya at malawak ang pang-unawa niya pero hindi pa rin maalis sa akin na mag-isip sa magiging reaksyon niya. "What is it between you and Arzen? at bakit involve rin si Seya?" mahinahon na tanong niya. Umayos siya ng upo paharap sa akin at ako naman ay napayuko sandali. "Wala akong trabaho kay Thauce na... n-na kahit ano katulad ng alam mo. Hindi rin niya ako tinulungan dahil naawa siya sa amin tulad ninyo ni Errol..." parang bawat salita na sinasabi ko ay nahihirapan akong bitawan dahil sa pangamba. "Zehra, I don't understand..." ngumiti siya sa akin ng tipid at napailing, hinawakan rin niya ang mga kamay ko at alam ko na ramdam niya ang panlalamig ng mga 'yon. "Na-nagkaroon kami ng kasunduan

