Alas diyes ng umaga na at nanonood lang ako dito sa sala habang hinihintay ko ang tawag ni Seya. Ala una ng hapon doon ngayon at sinabi niya na maliligo raw muna siya at siya na ang tatawag sa akin mamaya. Nagtataka nga ako, dalawang araw ata kami na hindi nakapag-usap at narinig yung boses niya. Puro mensahe lang, at limitado ang mga sagot ni Seya. Nag-aalala ako, nang kausapin ko si Thauce kagabi bago kami matulog ay sinabi niya sa akin na huwag akong mag-alala at ayos lang naman daw ang kapatid ko. Pero pakiramdam ko talaga ay may mali, hindi naman ganon si Seya. Inilipat ko ng channel ang tv nang matapos ang palabas na pinanonood ko, at nang makuha ang atensyon ko ng isang steamy movie at saktong nasa mainit na tagpo ang mga bida ay napalunok ako. Napatikhim at kaagad kong inilipat u

