Inabala ko ang aking sarili sa utos ni Thauce na ipagluto ko siya. Hindi na rin naman siya bumaba pa para tingnan ako at ipinagpapasalamat ko iyon dahil ang presensiya niya kahit nasa malayo ay nakakagulo sa isipan ko. Paano kaya ako makakatagal dito sa bahay niya? kahit na nagtatrabaho siya umaga hanggang hapon, sa gabi ay maaari pa rin kaming magkita. Paano ko siya maiiwasan? Pagkaluto ng sinigang ay kumatok ako sa pinto ni Thauce. Sinabi ko sa kaniya na okay na ang ipinaluluto niya. Hindi naman sumagot at naisip ko na baka tulog. Tinungo ko ang aking silid at nakita na naroon na nga ang mga gamit ko. Maayos na nasa gilid. Iyon naman ang sunod kong inasikaso. Baka bukas na rin ako makatawag kay Seya upang makamusta sila. Sabi naman ni Dr. Ariq ay magmemensahe siya sa akin kapag naroo

