Ang tatlong buwan na usapan namin ni Thauce pagkatapos ng operasyon ni Seya ay inaasahan ko nang matutuloy kahit pa malinaw na may gusto na sa akin si Errol. Kailangan na nasa akin palagi ang atensyon niya upang mawalan ng pag-asa si Lianna. Nang sa gayon ay magawa ni Thauce ang gusto niya. Sa ilang linggo lamang ay napakarami nang nangyari na alam ko na maapektuhan ng sobra ang aming kasunduan. Ang masamang pagtingin ko sa kaniya pagkatapos ng naganap sa kaniyang opisina. Nang magmakaawa akong pagtrabahuhan na lang ang lahat ng perang magagastos niya ay nagbago nang malaman ko na siya ang nagligtas sa buhay ni Seya. Palagi ay nais ko na siyang makita at napagtanto ko ang aking nararamdaman nang umagang iyon, sa silid ng kapatid ko sa ospital. Siya, bilang si Dr. Arzen. Ang Dr. na nag-op

