Chapter 26

1749 Words

Araw na ng pag-alis ni Seya. Pagkatapos ng nasaksihan ko sa opisina ni Thauce ay ipinangako ko sa sarili ko na kung anuman ang nararamdaman ko para sa kaniya ay kalilimutan ko na. Mas pinaintindi ng halik na aking nakita kung ano ang papel ko sa buhay niya... sa buhay nila. "Ate..." Hinimas ko ang pisngi ni Seya. Nakahanda na ang lahat, kumpleto na ang mga gamit niya at narito na rin kami sa airport. Kasama ko si Errol at si... Lianna. Napatingin ako sa kaniya. Napakaganda niya sa suot na white dress. Bigla ay natingnan ko ang aking sarili. Nakapulang blouse at pantalon. Ibang-iba talaga kami. Magkalayong-magkalayo. "Siguradong magaling na magaling ka na pag bumalik ka dito sa Pilipinas, Seya," sabi ni Lianna sa kapatid ko. "Mabilis lang ang dalawang taon, Seya, huwag ka rin mag-alala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD