Ngayon ay dalawang araw na ang nakalipas. Umalis kami nang mismong tanghali rin na 'yon pagkatapos ng nangyari. Narinig ko kay Lianna na dinala nila Wayne sa ospital si Kit dahil sa mga natamo nitong sugat mula kay Thauce. Nawalan rin daw ito ng malay at bukod doon ay may pilay rin ang isang braso. Hindi ko lubos maisip na sa sandaling oras lang ay magagawa 'yon ni Thauce. "I told you before... he is the devil." At ngayon nga ay narito si Lianna sa bahay ni Thauce mismo, kasama niya si Wayne at si Tristan. Binisita nila ako para makahingi ng tawat at para na rin magkausap kami sa kung ano ang totoong nangyari. Wala si Thauce ngayon, nasa kumpanya siya pero ang sabi ay pauwi na. Hindi magandang ideya na andito siya kaso wala naman akong magagawa. "Pasensiya na rin, kung nag-ingat la

