My Love for you is Real
TITLE: My love for you is Real
Written by: choi
Genre: Romance
CHAPTER 1
“With high honors, Rafael Del Rosario!”
Habang tinatawag ang pangalan ni Rafael ay siya namang pag-akyat niya sa stage kasama ang iniidolo niyang ama. Kitang-kita niya kung gaano kasaya ang kaniyang magulang habang nakikipagkamayan sa Principal.
“Harap sa camera,” wika ng ginoo na kumukuha ng kanilang litrato, abot hanggang tenga ang ngiti ng mga ito.
Pagkatapos ng tagpo sa school ay sumakay na siya sa owner na sasakyan ng kaniyang ama at sa kalagitnaan ng nagmamaneho ay bigla itong nagsalita.
"Anak, konting tiis nalang at magiging isang magaling na pulis ka na rin. Kaya pagbutihin mo lalo ang iyong pag-aaral,” nakangiting usal nito sa kaniya.
"Opo, ama. Alam niyo naman po, eh, kayo ang idol ko at magiging kagaya ko po kayo, ama,” masayang wika ni Rafael dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti nito.
"Talaga, anak?”
"Opo, ama! Makikita nyo po, pagdating ng araw ay magiging sikat din po ako na pulis," sagot ni Rafael na puno ng determinasyon.
"Nakakatuwa ka talaga, anak," proud na wika ng kanyang ama. Saglit itong tumigil sa pagmamanaeho para halikan siya sa noo. "Mahal na mahal ko kayo, anak. Kayo ng ina mo,” madamdaming wika nito.
"Mahal ko rin po kayong dalawa ni ina, ama," turan ni Rafael na may ngiti sa labi.
"Alagaan mong mabuti ang iyong ina, ha?" wika ng kanyang ama.
"Opo naman, ama!”
"Saan mo nga pala gustong kumain?" tanong nito sa kaniya.
"Sa Jollibee na lang po," saad ni Rafael, ramdam ang labis na tuwa dahil sa naging usapan nila.
Habang binabaybay nila ang daan ay pakanta-kanta ang ama nito ng, I didn’t my way. Napuno ng saya at tawanan ang sasakyan. Ngunit biglang huminto ang sinasakyan nila. Nakita niya ang bulto ng isang lalaki na tumawid sa harapan ng sasakyan, hindi niya nakita ng maayos ang itsura nito dahil nasa likurang parte silang dalawa ng kaniyang ina. . . maliban na lang sa lalaki na sumilip sa kanila at may dalang baril.
"Hindi ko makakalimutan ang itsura ng lalaki na iyon," wika ni Rafael sa kaniyang isip.
Sunod-sunod na putok ng baril ang umalingawngaw sa paligid, hindi lang isa kundi ay tatlong beses. Pilit tinatakpan ng kaniyang ina ang magkabila niyang tenga habang mahigpit itong nakayakap sa kaniya, nangingig sa sobrang takot na nararamdaman. Hindi nila napigilang umiyak sa kaba.
Napakabilis lang ng mga panyayari na iyon.
Narinig niya pa ang boses at nakita ang lalaki na may hawak na baril.
"Umalis na tayo wag na nating idamay ang mag-ina." Dali-dali silang kumaripas ng takbo palayo.
Nang mga panahon na iyon ay nagsisisigaw ang kaniyang ina para humingi ng tulong samantalang si Rafael ay nakatulala at hindi magkagalaw dahil sa pagkabigla, sunod-sunod ang pagtulo na mga luha.
Hindi siya makapaniwala na binaril lang ng gano'n kadali ang kanyang ama na walang kalaban-laban. Lumapit ito sa kanya ama at sinabing.
"Ama, lumaban po kayo, ‘wag nyo po kaming iiwan ni ina! Dadalhin po namin kayo sa ospital. Hindi ba, ama, kayo ang mag-sasabit ng medalya ko kapag gra-graduate ako ng pulis? Marami pa po tayong pangarap, ama! Ama!" saad ni Rafael habang umiiyak na nakatingin sa mukha ng kaniyang ama na nakahandusay at duguan.
Naramdaman niya na lamang na marahan nitong hinawakan ang kaniyang mukha pagkatapos ay nawalan na ito ng malay.
"Ama! Ama! Huwag niyo po kaming iwan!" sigaw niya habang hindi matigil sa paghagulgol.
May lumapit na mga nurse at tao para buhatin ang kaniyang ama pasakay ng ambulansiya. Nakasunod lang silang mag-ina. Ngunit pa man sila nakakarating sa ospital ay idineklara na ng kasama nilang nurse na dead on arrival na ang kaniyang ama.
Halong galit at pagkamuhi ang nararamdaman ni Rafael ng mga panahon na iyon. Pinangako niya sa kanyang sarili na papatayin niya ang lalaking pumatay sa ama nito. Naikuyom niya ang kamao sa galit.
"Gagawin ko ang lahat para mahanap siya at pagbabayarin ko siya sa ginawa niya sa aking ama," umiiyak na wika ni Rafael.
Imbes na sa hospital sila pumunta ay dumiretso sila sa morgue, doon sila tumuloy at naghintay. Binabantayan nila ang ama nito habang hindi natigil sa pag-iyak ang kanyang ina. Marahan niyang hinaplos ang buhok nito.
"Huwag po kayong mag-alala, ina. Ipinapangako ko po, kapag malaki na po ako at naging pulis na ako ay ako po mismo ang maniningil ng buhay nila,” pagbabantang wika ni Rafael sa kanyang ina.
"Alam ko na bata pa ako pero hindi niyo po ako masisi dahil poot at galit ang nararamdaman ko ngayon," wika ulit ni Rafael.
Nagsalita ang kanyang ina. "Anak, hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. Kaya ayoko na sumunod ka sa yapak ng iyong ama, ayoko na mangyari din ito sa ‘yo. Ayoko nang mawalan pa, anak, baka hindi ko na kakayanin,” madamdaming wika ng kanyang ina.
"Ina, ipinapangako ko po na hindi po ako matutulad kay ama at gagawin ko po lahat ng paraan mahanap ko lang ang mga taong gumawa nito," wika habang umiiyak.
Makalipas ang araw na iyon naiburol na ang kaniyang ama sa loob ng kanilang bahay. Maraming tao ang nakiramay, mga kamag anak, kapit bahay at kapwa pulis na kakilala ng kanyang ama.
Napansin ni Rafael ang isang babae na umiiyak habang nasa harap ng kabaong ng kaniyang ama, bigla itong nagsalita.
"Sir, napakabuti niyo pong tao. Bakit kung sino pa po ang mabubuting pulis, sila pa ang pinapatay? Maraming salamat po sa pagtulong niyo sa amin.” Rinig niyang wika ng babae habang umiiyak. Nang marinig iyon ni Rafael ay hindi niya mapigilang tumulo ang luha.
Nilapitan niya ito. "Kaya gusto ko talaga maging pulis, para gayahin si ama. Alam ko na marami siyang natutulungan na tao. Ako po, magiging pulis din po ako balang araw at magiging kagaya po ako ni ama."
Niyakap siya ng babae matapos niya iyon sabihin. "Oo, anak, alam ko na magiging isang mabuting pulis ka rin ‘gaya ng iyong ama," wika ng babae.
Makalipas ang limang araw na burol ay inilibing na rin ito. Naiwan silang mag-ina sa puntod, pinakatitigang mabuti ni Rafael ang puntod ng kaniyang ama.
"Huwag po kayong mag alala kay inay, ama. Ako na po ang bahala sa kaniya,” wika ni Rafael.
Tinignan siya ng kanyang ina saka niyakap ng mahigpit."Salamat, anak.”
"Ina, ipinapangako ko po sa puntod ni ama na magiging isang matagumpay na pulis ako balang-araw at hahanapin ko po ang gumawa nito kay ama. Pagbabayarin ko po sila ng mahal," wika ni Rafael na punong-puno ng galit ang puso. “Pangako.”