Title: My Love for you is Real Written by: Miss__Choi Genre: Romance Chapter 11 HABANG naglalakad papasok ng kanilang silid ang magkasintahan ay may nakita silang babae at lalaki sa na nasa pintuan pa lamang ay naghahalikan na. Namutla at hindi makatingin si Angela dahil pakiramdam nito y siya ang nahihiya sa ginagawang halikan ng dalawang tao na nasa harapan nila. "Ano ba naman 'yan? Hindi ba talaga nila mahintay na makapasok sa loob," wika ni Angela na nadidismaya sa itsura ng naghahalikan. Narinig siya ng magkasintahan na naghahalikan kung kaya napatingin 'to sa kanya ng hindi maganda. "Ano bang pakialam mo? 'Eh, jowa ko naman 'to," pagsusungit na wika ng babae. "Wala naman akong pakialam sa inyo, ang sa 'kin lang ilugar niyo naman. Paano nalang kung may makakita sa iny

