Chapter 6

1042 Words
My love for you is Real By:Choi Romance Chapter 6 Pinaharurot ni Rafael ang motor nito at nagtungo sa boarding house ni Angela. Nang makarating ito ay nagmadali itong binuksan ang pinto ngunit naka-lock ito. Sumilip ito sa bintana nakita nito ang mga gamit ni Angela na nagkalat. Nakaramdam ito ng kakaiba at nagmadaling pumunta sa kabilang pintuan. Mabuti na lamang at kinabisado nito ang boarding house ni Angela kung kaya alam nito ang pasikot-sikot ng bahay. Dahan-dahan itong pumasok sa kabilang pintuan. Nang nakapasok na ito ay dumiretso ito sa silid ni Angela. Nakita nya si Angela na nakagapos ang mga kamay at paa, takot na takot ito habang lumuluha. Nakita rin siya ni Angela, ngunit nag senyas ito gamit ang isang daliri na inilagay sa labi na sinasabing huwag maingay at huwag magpahalata. "Ngayon na nakuha ko na ang mga gamit mo at ang pera mo. Ikaw naman ang titikman ko," wika ng lalaki. Lumapit ito sa tabi ni Angela. Ibinababa ang hawak na patalim at dahan-dahan na hinawakan ang legs ni Angela. Hindi makayanan ni Rafael ang nakikita ng kanyang mga mata, kaya nilapitan niya ito agad at sinipa nito ang lalaki. Napasubsob ang lalaki ngunit bumangon at tumakbo ito ng mabilis. Hinabol ito ni Rafael hanggang makarating sa kusina. Nasuntok nito si Rafael sa sikmura at natumba. Pumaibabaw ang lalaki kay Rafael. Pinagsusuntok nito ulit sa mukha si Rafael at sa tiyan. Nasangga at hinawakan ni Rafael ang kamay ng lalaki, tinulak nya ito at tinuhod ang hinaharap ng lalaki. pinagsusuntok ni Rafael ng paulit-ulit ang sikmura at mukha ng lalaki. "Walanghiya kang lalaki ka! Kaya pala sinasabihan mo ako ng daanin sa santong paspasan ha! Ikaw pala ang gagawa hayop ka!" galit na galit na wika ni Rafael. Hanggang sa hindi na makabangon ang lalaki at nawalan ng malay. Tumawag naman agad si Rafael sa 106 upang ipadampot ang lalaki sa bahay ni Angela. Nilapitan at tinanggal agad ni Rafael ang tape sa bibig ni Angela. "I'm sorry, Angela," wika ni Rafael na may pag-aalala sa mukha. Tinanggal din nito ang mga tali na nakapulupot sa kamay at paa ni Angela. Niyakap agad ni Rafael si Angela. "Patawad, pangako hindi ko na hahayaan pang-maulit ito," saad ni Rafael habang haplos-haplos nito ang buhok ng dalaga. Napayakap na rin si Angela habang ramdam pa rin ang takot at humihikbi. Pumasok ang mga kapwa pulis ni Rafael. "Sir," wika ng mga pulis na pumasok sa boarding house ni Angela at nagbigay galang kay Rafael. "Damputin niyo na 'yan at sisiguraduhin kong hindi siya makakalabas presinto. Mabubulok siya sa kulungan!" galit na wika ni Rafael. "Mauna na po kami, sir, kami na po ang bahala," wika ng mga pulis at lumabas na ito ng bahay. Kumuha ng tubig si Rafael at ipinainum kay Angela. Inayos din nito ang mga gamit ni Angela na nagkalat. Nang matapos na ito ay nilapitan niya si Angela. "Siya nga pala ako ng bahala doon sa lalaki, huwag kang mag-alala dahil ako mismo ang hahawak sa kaso niya at sisiguraduhin kong mabubulok siya sa kulungan," wika ni Rafael. Hindi nagsalita si Angela tumayo ito at may kinuhang maliit na kit sa aparador. Kumuha pala ito ng gamot at cream pampahid, may sugat na malapit sa labi ni Rafael. Umupo ito sa tabi ni Rafael at pinahiran ng bulak ang sugat ni Rafael. "Okay lang ako, malayo ito sa bituka. Ikaw ang inaalala ko," saad ni Rafael habang nakatingin sa mukha ni Angela. Napatingin din si Angela sa mata ni Rafael. "Paano pala kung hindi ka dumating? Paano na ako?" mga tanong ni Angela na hindi makatingin sa mata Rafael at napapaiyak. Hinawakan ni Rafael ang pisngi ni Angela ng palad nito at sinabing, "Hindi mangyayari 'yon, dahil hindi ko hahayaang mangyari sa 'yo." Napaiyak si Angela sa sinabi Rafael. "Salamat," wika ni Angela habang lumuluha. Pinahid ni Rafael ang luha ni Angela, gamit ang daliri nito. "Mahal kita, Angela. From the first time, I saw you. At lahat ng mga taong mahal ko iniingatan ko," madamdaming wika ni Rafael. Yakap lang ang tugon ni Angela at sinabing, "Salamat, Rafael." Nang biglang tumunog ang cell phone ni Rafael. "Excuse me, sagutin ko lang ito." "Yes, Ma?" tanong ni Rafael. "Anak, gabi na, dito ka ba mag-dinner?" tanong ng ina ni Rafael. "Am ma, andito po kasi ako sa boarding house ni Angela, pinasok po kasi ng kawatan ang bahay niya." sagot ni Rafael. "Gano'n ba, anak? Kumusta naman siya? Malungkot na tanong ng ina ni Rafael. "Okay naman na po siya ma," saad ni Rafael. "Mabuti naman kung gano'n. May kasama ba siya diyan?" tanong ng ina nito. "Wala nga po, siya lang po mag-isa," sagot ni Rafael. "Mabuti pa siguro, anak. Manatili ka na muna diyan, bantayan mo muna siya," saad ng ina nito na nag-aalala. "Opo, Mom," wika ni Rafael na may ngiti sa labi. "Sige na anak. Bantayan mong mabuti, baka naman bantay salakay ka anak?" wika ng ina nito na natatawa. "Ma, pwede rin po para magkaroon na kayo ng apo," sagot ng binata sa kanyang ina na tumatawa. "Oh, sige anak, alagaan mo siya," saad ng ina nito natutuwa at pintutol na ang linya. Matapos ang pag-uusap na iyon ay nagsalita si Angela. "Sinong kausap mo?" tanong ni Angela. "Si mama nagtatanong. Sabi ko dito ako matutulog sa boarding house mo ngayon," wika ni Rafael na may ngiti sa labi. "Biro lang," pahabol na wika ni Rafael. Ngumiti na rin si Angela at nagsalita. "Nag-order na nga pala ako ng pagkain dito ka na mag dinner," wika nito ng may ngiti sa labi. Dumating ang i-norder ni Angela na pagkain at sabay na silang kumain. Pagkatapos kumain ay dumiretso si Angela sa loob ng silid para ayusin ang higaan, nang maayos na, pumasok naman ito sa banyo upang mag-shower. Lumabas naman si Rafael at nagtungo sa kanyang motor. Napansin nanaman nyang bumakas ang ilaw ng kwarto ni Angela at naaninag nanaman nito ang katawan ni Angela. Pinagpapawisan nanaman ito na napapalunok. Dahil sa nakikita ng kanyang mga mata ay kinuha nito sa compartment ng motor ang red horse beer, incan. Ininum nya ito ng pakunti-kunti habang nakatanaw sa bintana ni Angela. "Magiging akin ka rin," wika nito sa kanyang isipan. Itutuloy---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD