Title: My Love for you is Real Written by: Miss_Choi Genre: Romnce "Opo, Mom, sabi ko nga po dapat makilala niyo siya, kaso lang hindi pa daw po siya handa at nahihiya po siguro sa 'nyo," sagot ni Rafael. "Hindi bali anak, baka nga nahihiya lang siya, pasasaan pa at makikilala ko rin siya," sagot ng ina nito na na-e-excite na makilala si Angela. "Mom, dumaan lang po ako. Para makita kayo at ihatid 'tong mga pasalubong ko po para sa 'nyo, aalis rin po ako agad, kailangan ko po kasing mag-report agad sa trabaho," wika ni Rafael at pumasok muna 'to ng bahay at may kinuha. "Mauna na po ako," saad ni Rafael at ginamit na lamang ang kanyang motor at humalik muli sa noo ng kanyang ina. "Mag-iingat ka anak," wika na lamang ng ina nito. Malakipas ang ilang oras na pagmamaneho ni Rafael ay

