Title: My Love for you is Real Written by: Miss_Choi Genre: Romance Makalipas ang halos trienta minutos na pagmamaneho ni Charles ay nakarating na sila bangko na pinagtatrabahuan ng magkaibigan. Bumaba ang lalaki at pinagbuksan nito ng pintuan ng sasakyan si Angela. Lumabas naman ang dalaga. "Salamat, Charles, saad ni Angela ng may ngiti sa labi. "Walang anuman, mamaya ulit pagka-out mo?" tanong ng binata. "Charles, ayaw kitang paasahin, mangligaw ka nalang ng iba, h'wag ako. Nakakasigurado naman ako na maraming babae na magkakagusto sa 'yo at mas nababagay para sa 'yo, pasinsiya ka na," pakiusap ni Angela at tumalikod na 'to. Nagulat ang dalaga ng bigla siyang hawaka ng binata sa kanyang siko. Kung kaya napatingin 'to ng kunot-noo sa binata. "I'm sorry, Angela. Pero hindi ako

