Halos tumigil ang mundo ko. Alam ko naman na malaki ang tyansa na magkita ang dalawa lalo pa na mas lumiliit ang mundo namin ni Ryle. Kahit pa itago ko siya, hangga't may kasunduan kami ni Lucy at nakatali ako sa kasunduan namin ni Rai, hindi imposible na magkrus ang mga landas namin. Milagro na lang talaga na hindi pa iyon nangyayari sa kabila ng ilang beses na muntik na pagkikita ng dalawa. Nanuyo ang lalamunan ko at hindi ako makagalaw sa kinatatayuan. Binalot ako ng takot at pangamba. Running away has always been my solution for everything. Nung iniwan ako ni Rai pati ni Mama gusto ko na lang tapusin ang lahat. End the agony. Bakit ko pa gugustuhin ituloy ang buhay kung iyong mga taong naging motibasyon ko para magpatuloy ay wala na? I was left all alone, how am I supposed to

