Chapter 29 Nanatili akong tahimik buong biyahe. Si Rai naman ay nakafocus lang sa pagmamaneho. Hindi pa rin talaga nawawala sa isip ko iyong sinabi ni Jasmine kanina. Para tuloy sirang plaka ang boses niya na paulit ulit nagrerewind sa utak ko. Aaminin ko na isa rin talaga sa mga insecurity ko ang malaking pagkakaiba namin ni Rai. Mayaman siya at mahirap naman ako. Hindi ko ikinahihiya na mahirap kami. Proud ako sa Mama ko na marangal na nagtatrabaho para buhayin ako ng mag-isa. Ganunpaman, hindi ko maiwasan isipin ang magiging reaksyon ng mga magulang niya. Sa tagal nang nagtatatrabaho ni Mama sa mga Sevilla kahit siya ay hindi niya pa nakikita ang mga magulang ni Rai. Hindi niya rin alam kung anong mga klaseng tao ang mga ito. “Iniisip mo pa rin iyong sinabi ni Jasmine?” Nabasa

