Ang hirap magfocus. Kahit ayaw kong isipin at libangin ang sarili ko palagi pa rin napupunta ang utak ko sa nangyari sa amin ni Rai. Pinamumulahan ako ng pisngi kada maiisip ko iyon, nakakailang tuloy lalo kapag napapatingin si Mama sa banda ko. Baka akalain niya na nilalagnat ako o may sakit dahil sa pamumula ng pisngi ko. Dahan dahan kong tinampal ang pisngi. Maghunos dili ka, Zoila! Pagka-uwi ko galing sa unit ni Rai hindi pa ulit kami nagkakausap. Hindi sa iniiwasan ko siya pero hindi ko pa yata siya kayang harapin. Ang nangyari sa pagitan namin, hindi ko iyon pinagsisisihan. Iyong tiwala ko kay Rai ganoon kalaki. Siguro kung sa iba baka hindi ko iyon hayaan. When it comes to Rai, everything feels right. Hindi ako kailanman nakaramdam ng pag-aalinlangan. He makes me feel things

