“Wala ka bang ibang damit na mas maliit?” bungad ko kay Rai pagtakatapos kong maligo at magpalit ng damit na ipinahiram niya sa akin. Nagmukha akong nakadress sa laki ng t-shirt na ibinigay niya sa akin. Nag-angat siya ng tingin, nakaharap siya sa laptop niya at may ginagawa. He is wearing eyeglasses. Medyo mamasa masa pa ang buhok niya. Doon kaagad siya sa laptop niya dumeretso, hindi man lang naisipan na tuyuin ang buhok na basa pa. Lumakad ako papunta sa desk niya. Habang papalapit ako ineksamin niya ako mula ulo hanggang paa. Nang makalapit ay nginisian ako. Parang tuwang-tuwa pa siya sa itsura ko. Kumikislap ang mga mata niya at kita ko ang pagpipigil sa pagtawa. Parang hindi ako nagreklamo kaya sinimangutan ko siya. “You look fine. Bagay nga sa’yo,” malambing niyang sabi, he’

