"Base on her lab results maayos naman ang Mama mo. There are no abnormalities it must be too much fatigue kaya siya biglang nanghina. Iyong ubo niya naman I already made a prescription sa kung anong antibiotics ang kailangan inumin. She can be discharge today if she's already feeling better," saad ng doktor na tumingin kay Mama. Bahagya akong nakahinga ng maluwag. Akala ko may malala ng sakit si Mama. Aligaga ako kakaisip kung anong dahilan kaya niya naranasan iyon. Buong akala ko ay may iba pa palang komplikasyon at isa lamang iyon sa mga sintomas ng sakit. Tumingin ako kay Mama na kasalukuyang nakahiga sa kanyang hospital bed. Natutulog pa siya. She looks peaceful while lying in her bed. Bagay na ngayon ko lang ulit yata nakita. Si Mama ang tipo ng tao na kahit may sakit ay pipilitin

