IRITADO pa ring nakatingin si Audrey sa babaeng nasa harapan niya. Hindi niya alam kung bakit patuloy itong nangungulit sa kaniya. Nawala lang ang inis niya nang biglang pumasok sa pinto si Ashley at nagulat din ito nang makita ang babaeng kasama niya. Pero hindi na niya inintindi pa iyon at agad niyang kinuha ang result ng DNA test, nang makuha niya iyon ay agad din niyang binuksan. At para siyang sinuntok sa sikmura niya nang makita ang resulta. 0.00% match! Paanong nangyari iyon? Kaya malakas ang loob niya ay dahil alam niyang si Chase ang tatay ng anak niya. “Well, I think, kailangan mo pa rin ng tulong ko.” Napaangat ang tingin niya sa babaeng nasa tabi na pala niya. “Kung papayag ka madali na lang para sa ‘kin na gawin ng paraan ang problema mo ngayon.” “Anong ibig mong sabihin

